^

Pang Movies

Joaquin, inupakan ng mga kakampink sa ‘withdraw’ post

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Joaquin, inupakan ng mga kakampink sa �withdraw� post

Nag-aanyaya ng bashers ang post ni Joaquin Domagoso sa Instagram ng larawan niya nakasuot ng blue jacket na nakasulat sa likod ang pangalan ng ama niyang si Isko Moreno at Doc Willie Ong. Ang hashtag ni JD sa kanyang post ay #WithdrawLeni #UniteforIsko.”

Hindi nga lang maba-bash si JD sa kanyang post dahil naka-off ang comment box nito at ang ginawa ng supporters ni VP Leni Robredo, sa iba niyang post na open ang comment box, doon siya sinugod ng supporters ni VP Leni.

Naglabasan ang mga hashtag na #letlenikikolead2022 #WithdrawIskoTito #SwitchToLeni #UniteForLeni at may sumagot kay JD ng “The audacity to tell VP Leni to withdraw even though she’s more qualified to run than your father?”

May nag-comment pang nanalo si Leni, iiyak tiyak si JD. May nagtanong naman kung sa tingin niya, mananalo ang tatay niya? May nag-dare pa kay JD na kung matapang siya, i-open niya ang comment box sa post niyang pinagwi-withdraw niya si Leni. Isa pang payo kay JD, mag-focus na lang siya sa career niya para siya’y sumikat. Contract star kasi si JD ng Sparkle GMA Artist Center at napapanood sa First Lady.

KC, naunahan si Sharon sa American movie

Nasa New York ngayon si KC Concepcion para sa shooting ng Asian Persuasion at tuluy-tuloy ang kanyang shooting, hindi nga niya kayang tumulong pa sa kampanya ni Sen. Kiko Pangilinan. Ang Asian American multi-award wining filmmaker na si Jhett Tolentino ang director ng movie na ang cast ay pinag­halong Filipino, may Chinese at iba pang lahi.

Nabasa naming si Toni Gonzaga ang original choice sa role ni Avery ginagampanan ngayon ni KC. Conflict of schedule raw ang rason kung bakit siya napalitan, may nabasa pa kami na ayaw raw ng Martial Law ng director ng movie at kung bakit nakonek kay Toni dahil siguro sa ikinakampanya at sinusuportahan nito ang kandidatura ni Bongbong Marcos.

Ibinalita ni KC na nang i-post niya ang photo niya kasama ang cast, three days na silang nagsu-shooting. “Thank you for joining us on this new journey. Grateful to be part of this Asian-American project, with our amazing cast & crew.”

May pumansin lang na nauna pang gumawa ng pelikula sa ibang bansa si KC gayung ang mom niyang si Sharon Cuneta ang unang nagbalita na may gagawin siyang dalawang pelikula sa Hollywood. Nauna lang sigurong mag-shooting si KC, pero tuloy pa rin ang two films Hollywood projects ni Sharon.

Maine pinagbawalang mag-two piece swimsuit?! Arjo, parang pumayat

Sa El Nido rin nag-Holy Week sina Arjo Atayde at Maine Mendoza, pero hindi pa nagpo-post ng photos si Maine sa Instagram niya at ganun din si Arjo. Sa ibang IG account namin nakita ang larawan nilang magkasama na kung saan, napansin na pumayat si Arjo na dahil siguro sa kampanya.

Pinansin din na hindi two-piece swimsuit ang suot ni Maine, baka dahil daw sa tumatakbong congressman si Arjo at baka ayaw ng constituents niya sa District 2 ng Quezon City ng misis ng kanilang magiging representative na naka-two-piece swimsuit. Bagay na hindi naman makonek, bawal ba sa GF o misis ng mga kandidato ang mag-two-piece swimsuit?

Paulo, nadagdagan ang pogi points sa pagbisita sa anak

Ang lakas maka-pogi points ng photo ni Paulo Avelino kasama ang anak nila ni LJ Reyes na si Aki at pinuri si Paulo dahil nag-effort to see Aki na based sa New York ngayon. Isinabay ni Paulo ang pagbisita kay Aki noong nasa US siya para sa concert ni Ogie Alcasid na guest sila ni Janine Gutierrez.

Lalong natuwa ang netizens nang malamang sinundo ni Paulo si Aki sa school nito at saka sila namasyal.

Gustong malaman ng fans kung nagkita man lang sina Paulo at LJ nang sunduin at ihatid ni Paulo si Aki sa bahay ng mom ni LJ. Naglabasan ang shippers ng dalawa at marami pala ang umaasang magkabalikan sila. Siguro naman daw, okay kay Paulo na alagaan si Summer at ituring na sariling anak sakaling magkabalikan sila ni LJ.

‘Kaaliw at inunahan na nila sina Paulo at LJ sa mang­yayari in the future. At lalo raw magiging okay kay Paolo Contis kung si Paulo naman ang tatayong ama ni Summer dahil minsan, siya ang tumayong ama ni Aki.

Anyway, may post si LJ tungkol sa sabi niya, chaka niyang mga kamay, pero maraming moms ang naka-relate. Sabi kasi ni LJ, “But in my mind, naisip ko... the cuts and the dry skin represent hard work and humility. For the past months I have been learning how to run a small service industry business. It’s no joke! From doing coffee/cocktails to bussing tables, to washing dishes at minsan nagwawalis at mop pa whole day walang upuan. Learning new things would always be a product of and driven by humility. And hard work should be backed by perseverance and determination. But the core is your motivation- and as for me, whatever it is in life that I do, it will always be my kids.”

vuukle comment

JOAQUIN DOMAGOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with