^

Pang Movies

Bea, may bagong jowa na raw

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Bea, may bagong jowa na raw
Bea Alonzo.
STAR/ File

May bago na raw boyfriend ngayon si Bea Alonzo.

Ito ang itsinika ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog na aniya ay ayon sa kanyang source.

Noong una ay pa-blind item pa ang pagbabalita ni Ogie tungkol dito. Aniya, hindi na raw nagkabalikan ang aktres at ang ex-boyfriend nito dahil may bago na raw dyowa si girl. “May bago na raw boyfriend ang aktres,” aniya.

Kasunod nito ay pinangalanan na rin niya kung sino ang aktres na tinutukoy niya. “Itatanong na rin natin dito. Okay, how true na may bago nang boyfriend itong si Bea Alonzo?”

Pinaalalahan naman si Ogie ng dalawa niyang co-hosts na sina Mama Loi at Jegs na hindi pa nga raw tapos ang demanda sa kanila ni Bea.

Natatawang sabi naman ni Papa Ogs ay hindi naman daw libelous itong ibinalita niya.

Matatandaang sinampahan ni Bea sina Papa Ogs at ang kanyang co-hosts ng kasong cyber libel noong nakaraang buwan.

Anyway, ayon pa kay Ogie ay masaya raw siya para kay Bea if ever na totoo ngang may bago na itong pag-ibig.

Non-showbiz daw ang guy na sinasabing bagong BF ni Bea. “Parang half-Pinoy, half-foreigner,” sey pa ni Ogie.

Naitsika rin niyang okay na raw pala ngayon sina Dominic at Bea at magkaibigan na raw ulit.

Sa huli ay sinabi niyang hihintayin naman daw nila ang panig ni Bea kung totoo man o hindi ang sinabi ng kanyang source.

Bukas din ang pahina ng Pang Masa para naman sa pahayag ng aktres tungkol sa tsikang ito. Of course, kung totoo man ay wala namang masama dahil very much single naman si Bea and more than that, she deserves to be happy.

Kim, iniwan na ang mga takot at pagdududa

Nag-sign off na si Kim Chiu sa kanyang role bilang Kimberly Liwanag sa What’s Wrong with Secretary Kim PH.

Sa kanyang Instagram post ay ipinahayag ng aktres na marami siyang natutunan sa kanyang role kahit na nga ba marami raw siyang doubts noong una.

“It’s been days since we finished, but I still can’t believe we are now on our last episode.  As I close another character I played, I always learn something or have this takeaway trait that I will keep inside my pocket as I turn my back to that particular role.

“There were so many doubts, confusion, fear, and unsure thoughts, but all I did was trust the process. Surprisingly, everything went smoothly, and the boat sailed perfectly. I leave my fears and doubts behind,” sey ni Kim.

Kasunod nito ay nagpasalamat ang aktres sa mga nakatrabaho niya sa serye kabilang na ang leading man na si Paulo Avelino.

Muli ay inalay ni Kimmy ang serye sa yumaong head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal at nagbigay ng mensahe rito.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with