^

Pang Movies

David, napaaming gustong jowain si Barbie!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
David, napaaming gustong jowain si Barbie!
Barbie at David

As usual ay kinulit-kulit na naman ng press ang BarDa loveteam na sina Barbie Forteza and David Licauco sa grand mediacon ng first movie nila together na That Kind of Love mula Pocket Media Productions, Inc.

Isa sa natanong kay David ay kung may time ba na pumasok sa isip niya na sana ay sila na lang ni Barbie.

Nahirapan ang Pambansang Ginoo na sagutin ang tanong pero sinagot din naman niya. Bagama’t paikut-ikot ang kanyang statements, basically, ayon kay David ay mas madali raw sana para sa isang magka-loveteam kung may relasyon din sila in real life since parati nga silang magkasama.

“Minsan, naiisip ko lang din, ‘uy, mas madali siguro ‘yung ganun,’” aniya.

Nang tanungin siya kung ano ang diretsong sagot, napaamin din naman siya ng “oo naman” saka sinundan ng “Kayo naman talaga, o!”

Sinegundahan din naman niya ang sinabi ng ka-loveteam.

“Mas madali siguro ang magiging trabaho namin as loveteam kung kami talaga sa totoong buhay,” aniya.

But then, what happened to them ay naka-develop naman daw sila ng strong friendship na siyang nagpapadali sa kanila to work together.

Pero sa tanong kung may posibilidad ba na ma-in-love siya kay David kung wala siyang Jak Roberto, aniya ay wala siya sa posisyon para sagutin ito since hindi naman ito ang kanyang sitwasyon ngayon.

“Siguro, ask me again when we get there. Kasi sa ngayon, I don’t think I have the right answer to that,” she said.

Sa nasabing mediacon pinuri-puri ng press ang magandang trailer ng pelikula na kinunan pa ang ilang parte sa South Korea at ang napakalakas talagang chemistry ng BarDa.

Mula sa direksyon ni Catherine Camarillo, showing na mga sinehan nationwide ang That Kind of Love sa July 10.

Coco, ‘di makalimutan ang mentor

Binigyan ng pagpupugay ni Coco Martin ang award-winning screenwriter and filmmaker na si Armando “Bing” Lao na pumanaw nitong June 18, 2024 sa edad na 75.

Sa kanyang Instagram post ay makikita ang mga larawan nila ng nasabing pumanaw na film icon na nakatrabaho raw niya sa maraming pelikula noong nagsisimula pa lang siya.

Sa caption ay inalala ni Coco ang mga pinagsamahan nila ni Lao na aniya ay isa raw sa naging mentors niya.

“Isa siya sa mga naging mentor ko noong ako ay nagsisimula pa lang sa industriya. Serbis, Kinatay, Tirador, Masahista, Biyaheng Lupa at Pula ang ilan sa mga pelikula na kanyang nilikha ang aming pinagsamahan,” ani Coco.

Patuloy ng aktor/direktor ay napakarami raw niyang natutunan sa kanyang mentor.

“Sobrang dami ko pong natutunan sa iyo. Hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng aral at gabay na ibinahagi mo sa akin. Isa pong malaking karangalan na makilala ka at maging bahagi ng iyong mga dekalibreng obra,” aniya.

“Mahal na mahal kita, Tito Bing! Mananatiling buhay ang iyong mga obra sa aming puso at isipan. Paalam at Walang Hanggang Salamat po!” mensahe pa ni Coco kay Bing.

Si Bing ay itinuturing na genius of Philippine Independent Cinema at tumanggap ng awards para sa kanyang screenplays like Takaw-Tukso (Urian Best Screenplay, 1987), Itanong mo sa Buwan (Urian Best Screenplay, 1989), Oras-Oras, Araw Araw (Film Academy Award Best Screenplay, 1990), Sana Pag-ibig Na, Pila-Balde (Urian Best Screenplay, 2000), Tuhog (Urian Best Screenplay, 2001), La Vida Rosa (Urian Best Screenplay, 2002) and Serbis (Cannes Film Festival Official Entry, 2008).

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with