^

Pang Movies

Robin, nagkatubig ang tuhod

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Robin, nagkatubig ang tuhod
Robin Padilla

Habang sinusulat namin ito ay hindi pa sumasagot si Sharon Cuneta kay Senator Robin Padilla tungkol sa offer na ma­ging leading leady siya sa biopic ni former senator Gringo Honasan na ipo-produce ng Borracho Films at pagbibidahan ng actor / senador.

“Na-excite ako,” pag-amin ni Sen. Robin bilang reaction sa sinabi ni Atty. Ferdie Topacio na ang tina-target niyang partner ni Robin sa pelikula ay si Megastar Sharon Cuneta.

“Sana tanggapin niya kasi... ‘pag nakausap ko si Ma’am (Sharon), sasabihin ko naman na ang pelikulang ito ay true story at may aral na matutunan ang mga manonood. Ang magiging problema lang, ‘yung schedule niya, sana hindi siya busy,” dagdag ni Sen. Robin kahapon sa aming interview.

 Inaalala nga niya ay ang schedule ni Sharon na baka meron itong concert sa abroad o may ibang ginagawa.

Samantala, two weeks ago pala ay naaksidente ang senador / actor habang nagti-training para nga sa pelikulang ito.

Aniya, iba raw pala ‘pag tumatanda na.

Na-injure ang tuhod niya at nagkaroon ng tubig.

Hindi pa gaanong magaling ang tuhod niya, kailangang mag-rest ng 20 days pero nakaka-six days pa lang siya sa ngayon.

Ice, naka-recover na sa matinding hika

Pagkatapos ng hindi inaasahang postponement dahil sa pag-atake ng hika noong Hunyo 1, tuloy na ang repeat ng Videoke Hits: The Repeat ni Ice Seguerra sa Hunyo 28, 2024.

Bilang isa sa mga music acoustic icon ng bansa, nangangako si Ice ng isa ulit hindi malilimutang gabi na  filled with music, fun, and a special celebration in honor of Pride Month ang repeat ng kanyang matagumpay na concert sa Music Museum.

At dagdag sa excitement ang country’s Pop Rock Royalty Yeng Constantino na makakasama ni Ice for the OPM videoke segment of the show.

“I’m really excited to have Yeng for the repeat of my concert. I’m a big fan of her work and we go way back. Marami rin s’yang videoke hits na siguradong patok sa mga audience,” Ice Seguerra shared.

Isang experiential concert ito where fans get to sing along with their favorite artist. This event is more than just a concert; it’s a unique celebration of the Philippines’ beloved videoke culture.

At kabilang nga sa highlights nito ang Ice, Please! – Belt out popular videoke classics as Ice Seguerra leads the charge in what’s set to be the most engaging concert you’ve ever attended.

Jam with Ice – Prepare for a night of collaboration and surprises as Ice invites special guests to the stage, ensuring that the hits keep coming and the energy never fades.

Watch Ice ‘Ice-fy’ Your Favorites – Anticipate a twist on karaoke classics with Ice’s unique renditions. It’s a fresh take on the songs you know by heart, ‘Ice-fied’ to perfection.

Celebrate Pride Month – In line with the celebration of Pride Month, the concert will feature a special segment dedicated to celebrating pride.

“Maghanda na ang mga kapatid natin sa community na matapatan ng mic and to perform with me onstage. Sa videoke hits, kayo ang bida,” dagdag ni Ice.

Produced by Fire and Ice LIVE, Videoke Hits with Ice Seguerra is more than just a concert. It’s a celebration of our videoke culture and a chance to participate in the Philippines’ National Sport: Videoke Singing.

Julie at Stell, kinasasabikan!

Answered prayers, ika nga ng kanilang fans, dahil sa unang pagkakataon, magsasama sa isang concert stage sina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Stell ng SB19 para sa Julie X Stell: Ang Ating Tinig concert. Gaganapin ito sa July 27 at 28, 8 p.m. sa New Frontier Theater.

Sey nga ng supporters, can’t wait na sila sa big event na ito dahil pa­niguradong maraming sorpresa at pasabog ang inihanda para sa first-ever concert nina Julie at Stell na produced ng GMA Synergy, GMA Entertainment, at 1Z Entertainment.

Bukod sa pangmalakasang performances, excited na silang ma-entertain muli sa kulitan at playful banters ng dalawa na talaga namang kinagiliwan nila simula pa The Voice Generations.

“OMG I’ve been waiting for this. Fast forward to July 27-28 please,” komento ng isang netizen.

Diin naman ng isang fan, “Mahal ko kayong dalawa. At mamahalin at mamahalin pa.”

“Hindi ko ito palalagpasin! Na-miss ko na ‘yung kakulitan ninyo sa The Voice. Good luck Coach Julie at Coach Stell!” ani ng isa.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with