^

Pang Movies

Gabbi, lumaban kina Catriona at R’bonney!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Gabbi, lumaban kina Catriona at R�bonney!
Gabbi Garcia

Hindi na lang sa pagiging artista nakikilala si Gabbi Garcia dahil pinatutunayan niya na isa siyang mahusay na host. Nagsimulang makita ang husay sa hosting ni Gabbi sa 2024 Miss Universe Philippines at pagkatapos nga ng coronation night, puro papuri sa Sparkle star ang aming nabasa.

Nasundan ‘yun nang isa siya sa maging host ng 2024 Miss Manila and again, pinuri siya nang nakapanood sa Metropolitan Theater. Hindi raw siya nagpakabog kina Catriona Gray at R’Bonney Nola na parehong past Miss Universe winners.

Muling makikita ang husay mag-host ni Gabbi kapag nag-host na siya sa 7th Eddys na naka-schedule sa July 7, sa Newport World Resorts. Makakasama niya rito sina Jake Ejercito at Janine Gutierrez.

Sa kanyang Instagram, nagpasalamat siya kay Boy Abunda na mentor pala niya sa hosting. Pinost pa niya ang photo nila ni Boy nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda.

“As a student learning from the best!! Having Tito Boy mentor me for my hosting stint at Miss Manila 2024 was the first of many heartfelt learning sessions. I’m deeply grateful that Tito Boy took the time to help me out. He would always check on me, sending texts and making calls, just to ensure I felt his constant support and availability. Your wisdom and kindness have taught me so much, and I feel incredibly fortunate to have you as a mentor for hosting. Thank you, Tito Boy, for your unwavering guidance and support. You are truly a mentor in every sense of the word. Looking forward to our next sessions.”

Bea, ‘di makabalik sa Showtime?!

Naaliw kami sa photo ni Carla Abellana na kuha sa taping ng Widows’ War dahil sa halip na hawakan ang small electric fan na dala niya sa taping, inilagay niya ‘yun sa kanyang dibdib. Hindi nga naman siya naabala na hawakan ang electric fan at puwede siyang humawak ng iba pa niyang gamit.

Mabuti at medyo plunging ang neckline ng suot niya at nagkasya ang electric na inilagay between her dress and her breast. Kapag nakita ‘yun ng ibang tao, lalo na ‘yung mahilig gayahin ang ginagawa ng mga celebrity, siguradong gagayahin.

Samantala, siya lang pala ang nag-guest sa It’s Showtime to promote Widows’ War, wala si Bea Alonzo kaya hindi siya nakabalik sa ABS-CBN. Hindi lang alam kung si Carla lang talaga ang pinapunta ng GMA sa IS dahil papayag naman siguro si Bea na mag-promote sa show ng kanyang former network.

Sabi pala ng netizens, labanan ng face card ang WW dahil parehong maganda sina Carla at Bea at siguro raw, kahit nagagalit o umiiyak ang dalawa, maganda pa rin sila. Inaabangan din ang mga bardagulan nilang eksena, pati ‘yung sampalan at sabunutan.

 

 

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with