^

Pang Movies

In-unfollow na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Naalala namin ang nabanggit ni Paolo Contis sa isang interview na lahat na lang ng tungkol sa buhay niya, lalo na kapag tungkol sa kanyang love life ay nalalaman ng press. Mukhang nagkatotoo na naman ang sinabi niyang ito dahil agad nalaman ng press at ng netizens na hindi na niya pina-follow sa Instagram si Yen Santos.

Kung natatandaan, naunang i-unfollow ni Yen si Paolo at dahil doon, sumunod ang tsika na break na silang dalawa. Sa pag-a-unfollow nito kay Yen, mas lalong maniniwala ang tao na hiwalay na nga silang dalawa.

Bukod sa pag-a-unfollow niya kay Yen, wala na ring pina-follow sa IG si Paolo. Makikita sa kanyang DP ang “0” sa Following ng IG niya and again, nauna si Yen na i-unfollow lahat ang nagpa-follow sa kanya. As in, everyone, pati ang mga kaibigan at kapamilya ng aktor.

In fairness, hanggang ngayon, hindi pa kumpirmado ang breakup nila dahil walang nagsasalita sa kanila. Sa mga ginawa na lang nila nalaman na tila may problema sa relasyon nila.

Reading the comments, may mga nalungkot sa breakup nila, may mga umasang end game na nila ang isa’t isa lalo na at parang you and me against the world ang kanilang relasyon. Marami ang kontra, marami ang bashers, pero hindi sila natinag. Ngayon lang sila nagkaproblema at mukhang matindi dahil umabot sa pag-a-unfollow sa isa’t isa sa IG.

Pokwang, nag-flex na naka-bra at panty!

Masayang dadalo sa GMA Gala 2024 si Pokwang dahil naabot ang pinapangarap na timbang na para sa nasabing event. Sabi nito, “Sa ngalan ng #GMAGALA2024 naibalik ko ang 50kls ko!!! Waaa.”

Ang pinost niya na photo niya sa masaya niyang balita ay nakasuot siya ng bra at panty at nakaharap sa salamin. Pinaghirapan ni Pokwang na maabot ang ideal weight niya, kaya may rason para kanyang i-flex.

Siguradong marami ang magtatanong sa kanya kung anong diet at workout ang kanyang ginawa para maalis ang unwanted weight dahil totoo namang kapuri-puri siya. Ang aabangan na lang natin sa gabi ng event ay ang gown na kanyang isusuot at ang kanyang total look.

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with