^

Pang Movies

Nanay ng young star, andaming demand na pagkain sa endorsement shoot ng anak

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Demanding sa pagkain ang ina ng sikat na young star kapag may endorsement shoot ito.

Ang ina ang namimili ng food na kakainin sa shoot. Take note na ayaw niyang sa catering manggagaling ang food.

Eh para walang maging issue sa food, hinayaan ng production in charge sa gusto ng ina kahit wala namang ganitong request ang sikat niyang anak.

Ang pagkain na request ng ina? Aba, fast food mula sa iba’t ibang food chain! ‘Yun bang, chicken sa isang brand, pork sa ibang food chain and so on and so forth sa iba pang food chain, huh!

Kahit nawindang sa request ng iba, wala silang choice kundi sundin ang gusto ng ina para walang problema sa shoot!

Ex-Beauty Queen Samantha Panlilio, sasabak na sa pulitika

Palalawakin pa ng beauty queen-businesswoman na si Samantha Panlilio ang kanyang advocacy nang i-launch niya ang Pangarap at Kalinga Foundation sa hometown niya sa Ternate, Cavite last Sept. 17, 2024.

Bonggang move ito ni Samantha mula pageantry to community development. But take note, hindi ito ‘yung typical beauty queen project, huh!

Para kay Samantha, accessible education ay essential for shaping the future. “Children have incredible potential. I’m committed to ensuring they have the right resources to realize their dreams,” rason ng beauty queen.

Ang focus ng foundation niya para sa youth ay education, healthcare at livelihood projects.

Upang lumawak ang kanyang advocacy sa kabataan, pumayag si Samantha na maging second nominee para sa Agimat Party List na ang former senator Ramon Revilla, Sr. ang founder.

Isang beauty queen sa Kongreso? Why not? Super qualified si Samantha Panlilio mula sa Panlilio clan na pinagmulan ng tiyahin niyang beauty queen na si Myrna Panlilio!

vuukle comment

BEAUTY QUEEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with