^

Pang Movies

Stell, nambigla sa concert ni David!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Stell, nambigla sa concert ni David!
Stell

Concert ni David Foster sa Araneta Coliseum noong isang gabi at natural ang inaasahan ng taong mapanood ay ang kanyang kahusayan sa musika. Pero si Foster ay hindi lamang isang singer at record producer, siya ay kilala rin sa pagbibigay ng pagkakataon sa perfor­mers na inaakala niyang may talent.

Kung natatandaan ninyo noong unang nadikit ng pangalan niya kay Charice Pempengco, na napakaganda naman ng boses noon. Hit naman talaga noon si Charice at minsan sa isang concert din ni David ay naging guest si Charice at kinanta niya ang All By Myself na ipina-record ni David kay Celine Dion na naging isang napakalaking hit worldwide.

Mas lalong matindi ang nangyari sa concert niya noong isang gabi. Sinabi niyang marami na siyang naikot na bansa sa buong mundo pero masasabi niyang ibang klase ang pagmamahal ng mga Pilipino sa musika. Tapos tinawag na ang kanyang guest ang Pinoy na si Stell Ajero na member ng SB19.

Ang akala namin kung anong kantang pop ang kakantahin ni Stell dahil hindi ba P-Pop naman ang SB19 na grupo niya. Pero habang tumutugtog si David ng piano, binanatan ni Stell ang All By Myself na pinasikat nga ni Dion.

Aba’y puwedeng mag-concert nang solo iyang si Stell at marami siyang singers na lulumain. Kung ang mga institusyon na sa musika kagaya ni David Foster ay humanga sa kanya ano pa nga ba ang masasabi mo.

Yoyong, nasa tabi ang pamilya nang pumanaw

Kung isa kayo sa mahilig sa basketball lalo na noong panahong kasagsagan niyan sa Pilipinas noong mayroon pang MICAA at nang malaunan ay naging PBA imposibleng hindi kayo naging fan ni Yoyong Martires.

Si Yoyong ay isa sa pinakamaliit na player noon sa PBA, nasa team siya ng San Miguel, pero hindi matatawaran ang kanyang bilis at kahusayan sa hard court.

Kahit na sa hardcourt ay likas na komedyante si Yoyong kaya nang medyo magretiro na siya sa basketball nakilala naman siya bilang isang komedyante sa pelikula at telebisyon. Marami ring nagawang pelikula si Yoyong at bilang komedyante ay mas dumami pa ang kanyang fans.

Nakasama niya ang lahat halos ng malalaking stars sa pelikula.

Ang masamang balita, noong Martes ng gabi ay pumanaw na pala siya sa edad na 72. Hindi sinabi ng kanyang pamilya ang dahilan ng kanyang kamatayan, subalit sinabi ng kanyang anak na nasa tabi niya ang kanyang buong pamilya noong pumanaw siya.

Bukod nga pala sa basketball at pelikula si Yoyong din ay nanungkulan bilang konsehal ng lungsod ng Pasig at minsan pang tumayong vice mayor ng lungsod.

Isa iyang si Yoyong sa basketball players na marami rin ang naabot hindi lamang bilang isang athlete kundi bilang politician at actor din.

Malaking kawalan ang pagyao ni Yoyong.

Ronnie Liang, nadamay sa intriga ni Harry Roque!

Sino si Alberto Rodolfo dela Serna na nauugnay ngayon sa dating presidential spokesman na si Harry Roque? Siya ay isang dating modelo at contest winner na kumatawan sa PIlipinas sa Mr. Supranational pageant.

Nadawit ang pangalan niya kay Harry Roque dahil sa ilang papeles na nakuha ng raiding team sa isang POGO sa Porac, Pampanga na nagsasabing siya ay isang executive assistant ni Roque.

Pero sana maipaliwanag nang mas mabuti ni Roque ang mga bagay na iyan bago siya magsalita tungkol sa ibang issues.

Tila napaglalaruan din ng netizens si Roque nitong mga nakaraang araw. May nag-post naman ng isang video kung saan kasama niya ang singer at army reser­vist na si Ronnie Liang sa isang motorboat at sinasabi ni Roque na titingnan daw niya kung mapaghuhubad niya ng kamiseta si Ronnie, kasi siya ang mag-aalis din ng kamiseta later. Pero hindi na ipinakita kung napaghubad nga si Ronnie dahil putol naman ang video.

Ano nga kaya ang dahilan at ganito ang mga lumulutang na kuwento tungkol kay Harry Roque?  

vuukle comment

DAVID FOSTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with