^

Pang Movies

Alexa at KD, ‘di na kailangan ng kumpirmasyon!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Alexa at KD, �di na kailangan ng kumpirmasyon!
KD Estrada at Alexa Ilacad.
STAR/ File

Alam mo, Salve A., saksi kami sa pinakitang sweetness sa isa’t isa ng rumored sweethearts at Kapamilya loveteam na sina KD Estrada at Alexa Ilacad sa final wake ng uncle ng singer-actress na si Chito del Rosario Ilacad, dating record executive ng Vicor Music Corporation at OctoArts International  na siya ring composer ng mga classic hits na Kapalaran at Together Forever ng yumaong si Rico J. Puno, Salawahan ng Boyfriend, Paniwalaan Mo ng Blue Jeans at Remember Me ni Renz Verano, among others at mister ng namayapa na ring singer at hitmaker na si Yolly Samson (na siya namang umawit ng Bato Sa Buhangin, Sa Aking Pag-iisa, Ang Boyfriend Kong Baduy at iba pa) sa Arlington Memorial Chapels in Quezon City nung nakaraang Huwebes (June 13) ng gabi.

Sa dalawang gabing wake ay naroon si Alexa at sa ikalawang gabi ay dumating din si KD na nagbabad din sa lamay. It was also Alexa’s first time na maka-bonding ang Ilacad clan maging kay Boss Vic del Rosario (ng Viva) and his family.

Sa aming nasaksihan, hindi na namin kailangang hintayin ang kumpirmasyon ng dalawa kung sila na nga.

Jodi, maagang natanggap ang birthday gift

Kaarawan ngayon (June 16) ng Kapamilya star at mahusay na aktres na si Jodi Sta. Maria who’s now 42.

Ang approval ng kanyang annulment na kamakailan lamang inilabas ng kor­te ay magsisilbing advance birthday gift kay Jodi na 13 taon din ang hinintay ang proseso.

Ngayong legit na ang pagiging single niyang muli, she can now peacefully move on with her life dahil na-unlock na ang kanyang ‘pagkakatali’ sa isang relasyon na nung 2011 pa nagtapos.

Ang maganda, nanatiling magkaibigan sina Jodi at dati nitong mister na si Pampi Lacson, maging kay Iwa Motto at sa kanilang mga anak.

Nobyo ni Jodi ang ex-husband ng actress na si Claudine Barretto na si Raymart Santiago at nananatiling low-key ang relasyon hanggang ngayon.

Samantala, busy ngayon si Jodi sa kanyang bagong aabangang primetime TV series, ang Lavender Fields kung saan niya kasama sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez. Ito’y produced ng Dreamscape Entertainment for ABS-CBN.

Jericho, 6 na taong naburo sa pag-arte

Anim na taon ding huminto ang Kapamilya singer-actor na si Jericho Rosales (44) sa paggawa ng teleserye matapos itong mag-relocate in New York City, USA along with his ex-wife na ngayon na si Kim Jones. Siya’y huling napanood sa hit primetime drama series na Halik nung 2018 kung saan niya nakabituin sina Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby.

Si Jericho ay may 23-year-old son sa dating modelong si Kai Palomares na si Santino Rosales na nagtapos na ng college at isang ramp model tulad ng kanyang ina.

Tumagal ng 10 taon ang naging relasyon ni Jericho sa kanyang ex-wife na si Kim Jones pero hindi sila nabiyayaan ng anak.

vuukle comment

KD ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with