Jillian, malungkot ang Bagong Taon dahil sa mga magulang!
Malungkot pala ang naging pagpasok ng 2025 kay Jillian Ward dahil tuluyan na raw na naghiwalay ang kanyang parents.
Noong nakaraang taon pa raw may problema sa pagsasama ang mga magulang ni Jillian at umasa nga raw ito na magkakaayos sila. Pero hindi raw iyon nangyari kaya nahirapan daw siya na tanggapin iyon.
“May time na naririnig ko ‘yung parents ko nag-uusap sila ng madaling araw bago ako mag-taping. Tapos I have to act like hindi ko naririnig ‘yung mga conversations nila.
“Kaya po ‘pag pupunta ako ng taping, kaya kong umiyak nang 14 hours a day kasi totoo po ‘yung emotions, ganun. Doon ko po nilalabas, kasi sa house hindi ko nilalabas ‘yung iyak ko, ‘yung galit ko,” dagdag niya,” malungkot na salaysay ni Jillian na mapapanod ngayong 2025 sa GMA Prime series na My Ilonggo Girl kasama si Michael Sager.
Direk Jerry, grabeng init ang naranasan sa city jail
Si Direk Jerry Lopez Sineneng pala ang nag-takeover sa pagdirek ng Widows’ War dahil naging masyadong busy si Direk Zig Dulay.
Nang tanungin namin kung sino ba ang mastermind sa mga patayan sa serye, tumawa lang ito at sinabing hindi rin daw niya alam.
Mag-world premiere na sa January 13 sa GMA Afternoon Prime ang bagong teleserye ni Direk Jerry na Prinsesa Ng City Jail na bida si Sofia Pablo. Inamin ni direk na dumaan sila sa maraming aberya noong nagte-taping sila last year. “Mostly ay yung unpredictable weather ang dahilan. We started taping sa city jail noong summer na kasagsagan ng El Niño. Grabe ang init talaga and we have to stop taping for a while dahil doon. Noong matapos ang init, sunud-sunod na bagyo naman ang dumating. But we try to make the most out of the situation. Dinadaan na lang namin sa tawa ang lahat.”
Ang ikinatuwa ni Direk Jerry ay wala raw siyang narinig na reklamo sa kanyang mga artista. “They are all very professional. Kahit saksakan ng init at maulan, no complaints. Lalo na from Sofia. Never siyang nagreklamo and she’s always prepared.”
Ben at Jennifer, ayos na ang hatian ng kayamanan
Na-settle na ang divorce ng ex-Hollywood couple na sina Ben Affleck at Jennifer Lopez after five months. Ma-finalize ang lahat on Feb. 20, 2025.
Wala palang prenup ang dalawa, pero naayos ng kanilang lawyers ang naging hatian sa assets ng ex-couple.
Ayon sa report ng TMZ: “Each walks away with what they individually acquired during the marriage. The money Ben earned from his various movie projects is his, and the same goes for what J Lo earned during their 2-year marriage -- and neither will pay spousal support to the other.”
Ben will keep his successful production company, Artists Equity na tinayo niya in 2022 after niyang pinakasalan si Jennifer.
Si Jennifer naman ay solo niya ang rights ng mga na-produced niyang projects during their marriage tulad ng Atlas, This Is Me... Now, The Mother, Shotgun Wedding and Marry Me.
May maayos din silang agreement sa $61 million house na binili nila. Kasalukuyang nasa market ito.
- Latest