^

Pang Movies

Willie at Dingdong, magtatapatan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Willie at Dingdong, magtatapatan!
Willie Revillame
STAR/ File

May title reveal na si Willie Revillame sa show niya sa TV5 at kapag umere na ito, magiging Will to Win na ang dating Wowowin noong sa GMA 7 pa umeere. Hindi isinabay sa title reveal ang announcement ng time slot nito, pero dahil last two weeks na lang ng game show nina Jerald Napoles at Kayla Rivera na Barangay Singko Panalo, mukhang ang show ni Willie ang papalit.

Airing ang game show ng 5:30 p.m., sa TV5 at kung dito nga ilalagay si Willie, makakatapat niya ang Family Feud ng GMA 7 hosted by Dingdong Dantes.

Natatandaan namin, natanong namin si Director Perci Intalan kung ano ang mangyayari sa Barangay Singko Panalo kapag umere na ang show ni Willie? Ang sagot ni direk Perci, ang TV5 na ang bahala roon. Prodyus kasi ng The Idea­First Production nina direk Perci at Director Jun Lana ang game show na masaya at organic ang games.

Hindi kaya puwedeng ilipat ng oras ang game show nina Jerald at Kayla Rivera para patuloy pa ring mapapanood. Kapapasok lang ni Joross Gamboa sa game show, heto at tatapusin na rin pala.

Kathryn, susunod sa Canada

Sa Hong Kong muna nagte-taping ang cast ng Hello, Love, Again bago lumipat sa Canada. Nasa HK na sina Alden Richard, Jeffrey Tam, Lovely Abella, at Joross Gamboa at may mga pasilip sina Jeffrey at Joross sa mga eksenang kinunan ni Director Cathy Garcia-Sampana.

Sa same building at same apartment unit na tinirahan ng mga karakter nina Alden, Jeffrey at Joross ang ginamit ni direk Cathy at pati ‘yung roof top ng isang building na sumulat si Joy (Kathryn Bernardo) ng “Joy is here” ay ipinakita nina Joross, Jefrey at Alden.

Sa mga pasilip pa nina Jeffrey at Joross ng behind the scenes sa shooting, lalong nai-excite ang fans na mapanood na ang HLA. Sana raw, dumating na ang Nov. 13, na in-announce ng Star Cinema at GMA Pictures na showing ng nabanggit na pelikula.

Inaabangan din ng fans ang paglipad ni Kathryn pa-Canada para sa shooting ng mga eksena niya roon at si­yempre, ang pagsunod ni Ethan (Alden) kay Joy sa Canada.

Dominic, biglang na-red flag!

Kung noon, marami ang galit kay Bea Alonzo dahil inakalang siya ang nakipag-break kay Dominic Roque, iba na ang mood ng netizens ngayon. Kay Dominic na sila galit at sinugod nga nila ang Instagram nito para lang awayin.

Red flag daw pala ito, magaling lang siyang magdala. May nanisi pa sa kanya, sana raw hindi na lang siya nag-propose kung wala palang kasalan na mangyayari. May nag-comment pa na ma-drama si Dominic at hinayaang ma-bash si Bea, gayung siya pala ang nakipag-break.

May nag-akusa pa sa kanya na nabudol niya ang tao na nag-akala ngang siya ang iniwan ni Bea. May nakakatuwa namang comment na sana raw, ligawan nito si Kathryn Bernardo dahil bagay sila, magkaibigan at kilala na ang isa’t isa.

Hindi pa tapos ang istorya nina Bea at Dominic hanggang hindi pa ikinakasal sa mapipili nilang mamahalin ang bawat isa sa kanila. Patuloy ring nakaabang ang fans.

vuukle comment

KAYLA RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with