Piolo, hindi na alam ang meaning ng lovelife
OMG thirteen years na palang walang lovelife si Piolo Pascual.
Na kahit si Toni Gonzaga ay nagulat.
Kaya nga raw, hindi na niya alam ang meaning ng love life.
Sayang naman. Hahaha.
Pero nakakabilib din ha na keri niya na walang karelasyon ng ganun katagal.
Ito nga ang natatawang rebelasyon ni Papa Pi sa interview kay Toni Gonzaga, sa Toni Talks vlog.
Kaya may mga nagsasabing baka naman tumandang binata na siya at mahirapan na siyang mag-adjust dahil naging masaya siya sa buhay na walang ka-partner.
Trabaho na raw ang kanyang lovelife.
Ayaw mo na ng full-on commitment, tanong ni Toni?
“Not for now.”
“PJ, not for now, 21 years old ka ba?” sabi ulit ng aktres/TV host na tumatawa.
Komportable sila sa isa’t isa dahil ilang pelikula rin ang kanilang pinagtambalan.
Sabi ni Papa P busy pa siya sa kanyang career na joke ni Toni, very young actor si Papa Pi.
“Totoo kasi, eh. You know, I love being single. I don’t see the point of being with someone, especially now because I’m so busy with work.”
Madalas naman daw niyang kasama ang mga kaibigan niya.
“I’m always with friends, I’m always with my family. And it’s not something that you know, I look for because... eh nasanay na, eh,” paliwanag ng mahusay na actor kung ba’t ganun siya.
Isang Christian naman kung sakali ang isa sa qualities na hinahanap niya sa babae.
Saka raw: “family-oriented, siyempre, dapat ‘yung mabait. Hindi full of herself. Hindi ‘yung ‘me, myself, and I.’”
At doon nabuking na niligawan pala niya noon si Toni pero ‘di raw siya sinagot.
Kaya kahitsura raw ni Toni ideal girl niya.
“Ewan ko sa ‘yo, PJ! Para kang tanga. Nu’ng time naman na ‘yun, parang tanga naman ‘tong si PJ.”
Tawang-tawa naman si Papa Pi.
Anyway, aminado naman ang mahusay na actor parang lagi nga siyang may pinag-iipunan.
Wala raw siyang tinatanggihan hangga’t kaya ng schedule niya. “Lahat kasi pinapatulan ko pati ribbon cutting, eh. Wala naman akong gagawin eh, why not? I mean, I’m at a point in my life wherein I want to be able to leave something for my son and my family and just make use of the time that I’m given and the finance that I’m given and make sure to invest it in projects that will be profitable.”
More than 20 years na siya sa showbiz at wala sa plano niya ang magpahinga lalo na at ang daming offer na trabaho.
Kasalukuyan pa ring palabas ang MMFF entry nila ni Bossing Vic Sotto na The Kingdom.
Janine at Jericho, malapit nang matapos ang pagiging ‘mag-asawa’
Ahh malapit na pala ang finale ng Lavender Fields starring Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez and Jericho Rosales.
Siyempre dito nabuo ang love story nina Janine and Jericho na gumaganap na married couple.
Ngayon, “the best travel partner” na para sa actor si Janine.
Sa isang vlog nga ni Janine last December, nag-travel sila sa Japan kung saan bukod sa pagkain ng ramen, steak, ice cream at marami pa, nagpunta rin sila sa sikat na tourist spot na Mt. Fuji.
Sinamahan ni Jericho si Janine that time na dumalo sa 2024 Tokyo International Film Festival na ipinalabas ang pelikulang Phantosmia na pinagbidahan ng actress.
Last August ay inamin ni Jericho na nagde-date sila ni Janine, na hindi hindi raw niya inaasahan na muling makakahanap ng pag-ibig matapos i-announce na hiwalay na sila ng misis na si Kim Jones.
At kung open sina Janine at Jericho, consistent naman na lowkey si Jodi sa relasyon nila ni Raymart Santiago.
Pero sa kanyang post noong bagong taon, aniya ay “embracing sa new chapter.”
“In the quiet moments of reflection, I was reminded that our greatest strength emerges from the hardest storms and life has its way of being gracious to let us begin again — more intentional — to heal, to forgive, to grow, and to let go of everything that weighs us down.
“Every day, not just every New Year, is a gift, a canvass waiting to be painted with colors of peace, hope, and courage.
“Embracing this new chapter. Trusting every step is leading us to where we are meant to be”
Ang tanong ng ibang netizen, new chapter kaya ang pag-o-open nila ni Raymart sa kanilang relasyon?
Consistent sa top spot ang Lavender Fields mula sa umpisa nito sa Netflix.
Benta ang bardagulan nina Jodi at Janine dahil kay Jericho.
Pangulong Marcos, pangarap nung maging aktor
Naalala ko lang na may rebelasyon si Sen. Imee Marcos tungkol kay Pangulong Bongbong Marcos na gusto pala nitong maging actor noon at siya ang gustong maging director.
Pero hindi natuloy, naging producer si Senator Imee ng pelikulang Himala starring Nora Aunor (na nagkaroon ng bagong version sa magtatapos na #MMFF50).
Naalala rin ng senadora noong maraming mga foreign film na nagsho-shooting sa bansa.
“Ang tanging gamit nila ay talagang updated. Hindi ‘yung mga nineteen kopong-kopong, talagang pinapadala ng mga studio. So, ‘yung nakikita ng nanay ko (former First Lady Imelda Marcos) may mga Pilipino sabi niya, ang ganda-ganda talaga ng sine.
“‘Yung tatay ko (the late former President Ferdinand Marcos), hindi talaga mahilig, sabi niya: ‘Ano yan?’ Ang gusto lang niya ‘yung mga pelikula ng gyera, tapos ‘yung mga cowboy, ‘yun type niya. Pero, nakakainis naman siyang kasamang manood ng sine; wala nang ginawa kundi sitahin. ‘Ayan mali ‘yan, hindi ‘yan pupuwede.’ ‘Kapag susugod sa kalaban, ‘di ka papasok sa ganyan.
‘Naku, napakahina naman ng sundalong ‘yan,’ ‘Duwag! Duwag!’” kuwento pa ng senadora tungkol sa kanyang mga magulang.
“Ganyan ‘yan, eh, hindi ka na mag-i-enjoy sa manood ng sine, ang daming sinasabi. Ang nangyari, eh, nagbago ang kaisipan niya noong na-ban ‘yon Iginuhit ng Tadhana (life story ni FM), ‘yun ang nangyari.”
Dagdag pa niya : “Kasi, ang Doc Perez noon sa Sampaguita, sobrang tuwang-tuwa sa magulang ko, no? Sa dalawa, nagagandahan siya sa nanay ko, ni-recruit nga niyang mag-artista, kaso nag-asawa naman bigla; nakapagkasal. Eh tapos, ‘yung ama ko, parati niyang pinipilit kapag ikukuwento, “‘Yung kuwento mo pang-sine ‘yan.”, “Gawin na nating sine.” Kaya ginawa ang Iginuhit ng Tadhana sa kasamaang palad, tumugma naman doon sa pagtakbo niya bilang pangulo laban noon kay president (Diosdado) Macapagal.
“Malupit ‘yung laban na ‘yon, kasi magkabarkada sila, pareho silang liberal, same party. At bigo ‘yung pangako, na one term lang si Presidente, at ‘yung tatay ko na ang susunod; nag-give-way nga ‘yung tatay ko noong 1961.
“Anyway, ang ending is, ‘yung sine, ‘yung sine na naudlot noong 1960 ay itinuloy na noong 1964, kaso pinagbawalan, na-ban ‘yung sine. Eh, alam na natin sa showbiz basta kontrobersyal, banned, higit sa lahat, ‘pag inaapi, alam na natin ang mangyayari, sisikat. Eh, sumikat nga; nandoon sila sa premiere night, na naka-long gown lahat, nakaalahas, barong, todo, bonggang-bongga; biglang sinabi na TRO ‘yung pelikula, bawal na. Edi, lahat ng tao, talagang pumila na manonood. Nung lumabas na sa wakas, tuwang-tuwa lahat ng tao na manood, ‘yun talaga ang nangyari doon. At ‘yung tatay ko sabi niya, ‘Ganito pala ang pelikula,’” pagbabalik tanaw pa ni Sen. Imee kung paano minahal ng kanyang mga magulang ang movie industry.
“Ayun, talagang bilib na bilib siya, the power of film.”
Sa ngayon ay naniniwala ang Senador na mas madali nang gumawa ng pelikula dahil maraming platform.
Na pati raw pelikula na gawa sa cellphone ay pwede na.
- Latest