^

Pang Movies

Heaven, itinanggi na pakakasal kay Marco!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Heaven, itinanggi na pakakasal kay Marco!
Heaven Peralejo at Marco Gallo

Itinanggi ni Heaven Peralejo ang tsikang engaged na sila ng boyfriend na si Marco Gallo.

Nagsimula kasi ang espekulasyon na ikakasal na ang MarVen dahil sa isang post ni Marco kung saan ay makikitang “fiancé” ang pangalan ni Heaven sa kanyang cell phone.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay ibinalita niyang tinanong niya si Heaven mismo kung engaged na ba ito with Marco at sagot naman daw ng aktres, “not true, tito.”

Kung sakali raw ay sasabihin naman niya agad ito.

Ayon kay Ogie, maaaring term of endearment lang daw ni Marco sa girlfriend ang “fiancé.”

Matatandaang last November, 2024 nang isapubliko ng MarVen ang kanilang relasyon via Instagram. Binati ni Marco si Heaven sa kaarawan nito at tinawag niya ang aktres na “mahal.”

Sumagot naman si Heaven ng “I love you.”

Dennis, ‘di pa masyadong nagsi-sink in ang panalo sa MMFF

 Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Dennis Trillo na nakamit niya ang Best Actor award sa 50th Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal para sa napakahusay niyang pagganap sa pelikulang ‘Green Bones.’

“Hanggang ngayon po, surreal pa rin ang dating. Araw-araw hindi ako natatapos magbasa ng comments, ng mga nagme-mention sa akin. Ang sarap din po sa pakiramdam,” sabi ni Dennis sa panayam sa ‘Kapuso Mo, Jessica Soho.’

Ayon sa aktor, matinding internalization din ang ginawa niya para magampanan ang karakter niyan isang PDL (person deprived of liberty) o bilango na si Domingo Zamora sa ‘Green Bones.’

Sa movie ay hindi siya gaanong nagsasalita kaya naman talagang sa mga tingin at pagkilos niya ipinahayag ang kanyang emosyon.

“Siguro po ‘yung pagkakasulat kasi nun’g kwento, ‘yung pagkakadetalye ng karakter niya habang binabasa ko ‘yung script, talagang nakatulong po, eh. Nakatu­long din po ‘yung pag-aaral ng sign language at saka ‘yung mga. . . pinag-aralan din po ‘yung kung ano talaga ‘yung ginagawa ng PDL. Siguro naramdaman nila na buong-buo ‘yung karakter,” sabi ni Dennis.

“Kung mapapansin n’yo po du’n sa pelikula, bihira lang po ang dialogue. Kaya bawat kumpas ng kamay, talagang kailangan, makahulugan. Bawat tingin, kailangang maikwento mo sa tinginan pa lang kung ano ‘yung gustong iparating ng eksena na ‘yun,” wika pa ng aktor.

Matatandaang ibinigay ni Dennis ang cash prize niyang P100,00 bilang MMFF Best Actor sa mga PDL.

“Opo. Ang kwento po ng ‘Green Bones’ eh para naman po talaga sa kanila,” paliwanag ng aktor.

Ang next dream role naman ni Dennis ngayon ay gumanap na isang serial killer. Gusto raw niya talaga kasi ang mga off-beat role.

Anyway, nakumusta rin kung kumusta naman ang married life nila ni Jennylyn Mercado at ayon kay Dennis ay wala raw siya talagang masasabi sa kanyang asawa.

“Okay na okay. Siya ‘yung talagang no. 1 supporter ko. Grabe po ‘yung mga ginagawa niya. Bago ako umalis ng bahay, ‘yung paghanda niya sa mga gamit ko pag papunta ako ng taping, talagang wala akong masabi. Talagang saludo ako sa kanya,” sey ng aktor.

MARCO GALLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with