^

Pang Movies

Young actor, walang kahit P200 sa wallet!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Isang young actor na napapanood ngayon sa series ang nagmamadaling sumakay ng motorcycle taxi para puntahan ang isang kaibigan.

Kamamadali, nakalimutan niyang magdala ng pambayad sa rider. Nalaman lang niya ito nang dumating na siya sa bahay ng kaibigan

Sinabi ng rider na tumatanggap siya ng e-wallet. Pero wala ring laman ang e-wallet ni young actor!

Kaya pinaghintay muna niya ang rider. Pumasok sa bahay ng kaibigan para manghiram ng pambayad!

Nabuwisit ang rider na nakilala ang young actor kaya pinagsabihan na huwag ugaliing ‘di magdala ng pambayad sa tuwing sasakay siya dahil naaantala ang biyahe ng rider!

Gaano kalaki ang binayaran? P200 lang!

Throwback dancers, iba pa rin ang galawan!

Mas magaling pa rin ang dancers noon kumpara sa nagsusulputang dancers sa TikTok at ibang socmed platforms.

Kaya naman kahanga-hanga rin ang Rewind segment ng Eat Bulaga dahil muling nasilayan ng henerasyon ngayon ang galing ng Vicor Dancers, Streetboys, OctoArts at iba pa.

Eh ‘yung nagsasayaw sa TikTok, pare-pareho lang ang galawan, huh! Kembot-kembot lang at parang hindi masyadong pinag-isipan, huh!

Kaya nakakasawa at masarap pa ring tingnan sa mata ang galawan ng dancers noon!

vuukle comment

TIKTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with