^

Pang Movies

Dapat linisin ang kasisimulang show pagkapanalo ng grupo ni Jennylyn tinututulan

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Maraming hindi sumang-ayon na ang Team Tweet Hearts ni Jennylyn Mercado ang nanalo sa pilot telecast ng Sunday All Stars (SAS). Nanalo lamang sila dahil sa text votes kaya ang request ng mga nakausap namin after the show ay alisin ang text votes at hayaan na lamang ang mga judge na sina Regine Velasquez-Alcasid, Jaya, Janno Gibbs, at Ogie Alcasid ang bumoto. Kahit kasi 50-50 percent ang boto ng mga judge at text votes, kung mataas ang text votes, tiyak na mananalo sila. Kinu-question din kung bakit nagpaboto na ang show noong Saturday evening, wala pa namang napapanood na performances na dapat iboto, naging parang popularity votes daw tuloy.  Dapat nga sigurong linisin ito ng production staff ng show at ni Direk Rommel Gacho. 

Pero kung tinilian ang mga performance, mas malakas ang tilian nang mag-duet ang tinagurian nang TomDen team, sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo bilang pasasalamat sa success ng pilot week nila ng tinaguriang pink-serye ng GMA 7, ang My Husband’s Lover. Ki­nilig sila sa malagkit na tinginan ng dalawa na gumaganap na parehong gay sa primetime series. At noong Sunday eve­ning, sa My Husband’s Lover Rewind, kahit late na ipinalabas after ng Imbestigador ay nag-trending pa rin sa Twitter.

Krista gulat na ‘sila’ pa rin ni Cesar

Nagtataka si Krista Miller kung bakit pagkaraan ng ilang buwan, issue pa rin siya at si Cesar Montano na sabi’y nakita silang magkasama sa Podium mall in Pasig City. Pagkatapos niyang gawin ang pelikulang dinirek nito, hindi na sila nagkita o nagkausap man lamang. Hindi siya guilty dahil hindi naman totoo pero inamin niyang iniyakan din niya ang issue noon pa pero nakatulong naman iyon para tumibay ang loob niya at mas hinarap niya ang kanyang career. Ipinagdarasal niya na muling magkasundo sina Cesar at ang wife nitong si Sunshine Cruz.

Nakausap si Krista ng entertainment press sa paglo-launch sa kanya ni Jeffrey M. Hernaez, editor-in-chief ng Red Magazine na siya ang cover girl for June. Report pa ni Jeffrey, kung wala raw mabili ngayong copy ito ay dahil naubos na at magri-reprint pa sila ng additional copies.

Graduate ng media production sa Assumption College si Krista na at 22 years old ay wala pa siyang boyfriend dahil focused siya sa work. Hindi naman siya naka-contract sa TV5 pero katatapos lamang niyang gawin ang Boracay Bodies, naggi-guest din siya sa LokoMoko U, at semi-regular sa Willing Willie.

 

vuukle comment

ASSUMPTION COLLEGE

BORACAY BODIES

CESAR MONTANO

DENNIS TRILLO

DIREK ROMMEL GACHO

JANNO GIBBS

KRISTA

MY HUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with