^

Pang Movies

New look ni Kathryn, nag-trending!

STAR TALK - Lolit Solis - Pang-masa
New look ni Kathryn, nag-trending!
Kathryn

Ang bongga naman ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo na new look sa kanyang short hair.

Nag-trending ang hairstyle ng Hello, Love, Again actress na pinost ng isang Korean salon. Bumagay raw ito at mas lalo raw lumutang ang pagiging fresh.

Marami tuloy fans ang napatanong kung anong hairstyle ito at naengganyo ring magpagupit ng gaya sa idolo nila na sinagot naman ng iba na wolf cut daw ang tawag doon na nauuso rin sa ibang bansa.

Biro naman ng ibang netizen ay naka-move on na raw ito sa kanyang ex na si Daniel Padilla at wala na raw comeback.

Habang ang ibang tagasubaybay naman ng nagte-trending na Korean drama na Love Next Door ay naalala kay Kathryn ang Korean actress na gumaganap na Mo-eum dahil may hawig nga raw ang hairstyle nila.

Beauty, bumenta sa kalabasa!

Naging usap-usapan ang paghiwa ng aktres na si Beauty Gonzalez sa kalabasa.

Ipinost ng misis ni Norman Crisologo ang video ng kanyang struggle sa paghiwa ng kalabasa na may caption na “How to Kill a Kalabasa,” at umani nga ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.

Gulat lang ako na pati ba naman paghiwa ng kalabasa kailangang pagtalunan ng netizens.

Cheap.

Hahahaha. Hay ganyan na ba ngayon sa social media?

Wala bang mas malalim-lalim na pwedeng pag-usapan naman? Kaloka.

Hindi bongga.

vuukle comment

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with