^

Pang Movies

Robi Domingo, ipinagtanggol ng misis sa pag-iyak sa ‘anak’

Salve V. Asis - Pang-masa
Robi Domingo, ipinagtanggol ng misis sa pag-iyak sa �anak�
Robi

MANILA, Philippines —Hindi nakatiis ang misis ni Robi Domingo na si Maiqui Pineda sa mga pangba-bash sa kanyang mister ng netizens matapos itong mag-upload ng video na umiiyak sa kagustuhang magkaanak.

Hindi ito nagustuhan ng mga netizen dahil hindi man lang daw nito inisip ang kalagayan ng misis na may sakit at inaalala pa ang kagustuhan nitong magkaanak.

Medyo malungkot daw sila para sa asawa ni Robi dahil ang dating sa iba ay parang sinisisi niya pa ang misis dahil wala pa siyang anak sa timeline na ito ng kanyang buhay.

Ang narcissistic din daw ni Robi na gusto niyang gumaling ang misis para lang mabigyan siya ng anak.

Binigyan pa raw niya ng isipin ang misis at nadagdagan ang alalahanin nito bukod sa kanyang pagpapagaling.

Kaya naman sa kanyang Q & A sa  Instagram nagsalita si Maiqui  kung ano ang naramdaman niya sa post ni Robi.

 “No issues at all. I’ve openly mentioned it here before but he has a bigger reach. It’s both our goals, our plans, and our wishes but we acknowledge the reality of things, and have chosen to trust in God’s plans and timings instead,” ayon kay Maiqui.

 “But we are hopeful! Just have to wait a bit and do some work for now,” dagdag pa niya.

Ayon nga kay Robi ay nakakaranas siya ng “birthday blues.”

 “Some people say na mararamdaman mo na tumatanda ka na, but also it’s a time na puwede kang mag-reflect sa buhay mo.

 “Hopefully, next year, when the Lord permits it, I hope to introduce you to a Baby Robi or Baby Maiqui.

“Maybe it’s not time yet, not yet, but I’m hoping na mangyari,” sabay sabing handang-handa na siyang maging ama sa video niya na umiiyak.

“I want Maiqui’s sickness to be gone and go back to our original plan. And that’s my wish for my birthday. It’s not for me anymore.”

Patuloy na nakikipaglaban sa isang bihirang sakit na autoimmune ang misis ni Robi.

vuukle comment

ROBI DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with