^

Pang Movies

Anthony at non-showbiz GF, hiwalay na rin?!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Anthony at non-showbiz GF, hiwalay na rin?!
Jam at Anthony

Marami ang naniniwala na dumaran ngayon sa rough patch ang relasyon ng Kapamilya young Filipino-British actor na si Anthony Jennings at non-showbiz girlfriend nitong si Jam Villanueva kung ang mga ‘hugot’ quotes sa kanyang social media account ang pagbabasehan.

At ang suspetsa nila, dahil umano ito sa ka-love­team ni Anthony na si Maris Racal na nakipaghiwalay na rin sa kanyang dating boyfriend of five years, ang music icon na si Rico Blanco.

Ji Soo, gustong ma-in love sa Pinay!

Puring-puri ng South Korean K-drama actor na si Kim Ji-soo (na may palayaw na Ji Soo) ang kanyang mga co-actors sa family drama movie na Mujigae (Korean word for rainbow) na kinabibilangan nina Alexa Ilacad, child star na si Ryrie Sophia, Richard Kuan, Rufa Mae Quinto, at iba pang bumubuo ng cast na pinamahalaan ng TV commercial-turned film director na si Randolph Longjas which hits the SM Cinemas nationwide sa darating na Oct. 9, 2024. “They all great and professionals,” aniya.

Since December 2023 ay pabalik-balik na ng South Korea at Pilipinas ang actor na contract star na rin ng GMA’s Sparkle since August this year.

Pagkatapos ng action-drama series na Black Rider na pinagbidahan ni Ruru Madrid, napapanood naman ngayon ang Korean actor sa hit afternoon series na Abot-Kamay na Pangarap.

First Filipino movie naman niya ang family drama film na Mujigae where he plays an absentee father sa kanyang Fil-Korean 5-year-old daughter na si Mujigae na ginampanan ng child star na si Ryrie Sophie.

Ayon kay Ji Soo, adjusted na umano siya sa weather at kultura sa Pilipinas, sa kanyang mga Filipino co-workers maging sa mga pagkaing Pinoy tulad ng adobo at pork sisig na paborito niya. Marami na rin umano siyang Filipino friends at unti-unti na siyang nakakapagsalita ng Tagalog terms. “I love it here!” bulalas pa niya.

Back in Korea, si Ji Soo ay mahilig maglaro ng basketball at football.

Hindi rin ito ikinakaila na posible umano siyang ma-in love sa isang Filipina dahil marami umanong magaganda rito. Ji Soo is single at age 31.

vuukle comment

KIM JI-SOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with