Vice, inilabas na ang pamasko sa asawa
Ang bongga naman ni Vice Ganda na ginawan ng kanta ang asawa niyang si Ion Perez. Kinanta ng Unkabogable Star ang bago niyang Christmas song na Paskong Pinakamasaya sa It’s Showtime.
Maaga nga ang pamaskong hatid ng komedyante pero pagkatapos ng kanyang performance, ibinahagi niya ang kwento sa likod nito.
Ito raw ang paraan niya para bigyang-pugay ang mga breadwinner dahil nga raw katatapos lang niyang gumawa ng pelikulang And The Breadwinner Is, na para raw sa mga nagkukumahog magtrabaho at mag-ipon para makapagpadala sa mahal nila sa buhay.
Pero ang totoo raw ay ginawa niya ang Christmas song na iyon para sa asawang si Ion.
Matapos nga raw niya itong makumpleto at mai-record ay agad niya itong ipinadala kay Ion.
Na-touch nga ang kapwa niya It’s Showtime hosts sa kwento niya at kinilig din ang audience sa ginawa nito.
Marami naman sa nakapakinig ang naiyak sa kanta niya dahil damang-dama raw nila ito.
Gusto raw kasi ni Vice na maging masaya ang asawa, pamilya niya at ang lahat sa darating na Pasko.
Bongga sila ha, at ‘yun lang ang masasabi ko.
- Latest