^

Pang Movies

Female celeb dusa sa gastos ng karelasyong non showbiz

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi pa tapos ang kalbaryo ng isang female celeb sa kanyang nonshowbiz boyfriend na naging prominente rin sa showbiz. Patuloy pa rin daw sinusunod ng celeb ang kapritso ng kanyang dyowa.

Minsan daw sinundan ng lalaki ang dyowa sa isang out-of-town commitment. Habang abala sa work ang girl, todo order ng mamahaling food ang lalaki sa tinuluyang resort. Kinabukasan na umuwi ang lalaki kasabay ang girl.

Pero mautak ang organizer ng event na sinamahan ni female celeb. Natunugan ang pagdating ng dyowa kaya alam lahat ang pinagkukuhang pagkain at mamahaling wine. Ibinawas ’yon sa suweldo ng celeb na wala namang reklamo dahil luho naman ng dyowa ang napuntahan ng kanyang datung.

Cynthia Villar pinaboran na ang pag-aaral ni Camille sa abroad

Kakaiba ang istilo ni Cynthia Villar sa kanyang infomercial dahil sarili niya mismo ang bida at ang pagtataguyod ng kanyang livelihood projects ang tumatak sa publiko. Kahit anak niya si Camille Villar na nasa showbiz na ngayon, hindi niya ginamit upang isulong ang kandidatura niya bilang senador.

Lumalakas nga ang recall kay Mrs. Villar dahil sa taguri sa kanyang Misis Hanep Buhay.  Kasi naman, sa kasalukuyan, 500 na pilot centers ang kanyang itinayo sa buong Pilipinas upang ma-duplicate ang livelihood centers o green social enterprise na sinimulan niya sa Las Piñas nung congresswoman pa siya.

Pero kahit abala sa pag-iikot sa bansa, namamayani pa rin sa puso ni Mrs. Villar ang pagiging ina lalo na sa anak na si Camille. Dahil gusto niyang lumawak pa ang kaalaman sa edukasyon ng anak, pinayagan na niya itong mag-leave muna sa show upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng masteral sa business management sa ibang bansa.

Just recently, nagdaos ng pre-Valentine thanksgiving sa press si Mrs. Villar na pinasalamatan niya sa suportang ibinibigay sa kanya.

Martin at Ogie natatameme kapag nagmamando na si Direk Rowell

Natatameme sina Martin Nievera at Ogie Alcasid kapag ang director nila na si Rowell Santiago sa Valentine concert na Foursome ang nagsasalita sa meetings at rehearsals. Palibhasa, maraming ideas at first time nilang magsasama pati na sina Pops Fernandez at Regine Velasquez sa konsiyerto, lumalabas ang creativity nila lalo na sa mga kantang babanatan sa palabas.

Ganoon kalaki ang respeto ng dalawa kay Rowell kahit na nga absent siya sa huling presscon ng Foursome.

Pero kung nagkaroon ng konting gusot nung una sa guesting ni Martin sa GMA shows dahil nga Kapamilya siya, natutuwa siya dahil pinaboran na siya ng bosses ng ABS-CBN na i-promote ang concert kahit na co-producer ang GMA sa Foursome.

CAMILLE

CAMILLE VILLAR

CYNTHIA VILLAR

DIREK ROWELL

KANYANG

LAS PI

MARTIN NIEVERA

MISIS HANEP BUHAY

MRS. VILLAR

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with