^

Police Metro

Ginang dinakip sa pagbebenta ng sex online live show ng mga anak na minor

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang ginang ang dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Taguig City sa pagbebenta sa online ng mga live sex show ng mga bata kabilang ang kanyang mga anak na babae.

Ang ginang ay naaresto noong Oktubre 21 ng mga operatiba ng Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) na nagsilbi ng Warrant to Search and Examine Computer Data (WSSECD) na ­inisyu ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 15.

Kinumpiska rin ang computer devices, ilang sex toys at money remittances ng ginang.

Sinabi ng NBI na isinagawa ang operasyon base sa impormasyon natanggap ng NBI-HTRAD na ang umano’y facilitator sa Pilipinas ay nagpapadala ng malalaswang larawan at videos ng mga menor-de-edad sa United States.

Nalaman ng NBI-HTRAD na ang ginang ay patuloy na nag-aalok ng live shows ng kanyang dalawang anak na babae na menor-de-edad kapalit ng pera.

Itinuloy ng NBI-HTRAD ang operasyon matapos ipaalam ng babae sa isang undercover agent na gaganapin ang live show sa araw kung saan siya naaresto.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with