^

Police Metro

Suplay ng gasolina at krudo nagkakaubusan sa Bicol

Jorge Hallare - Pang-masa
Suplay ng gasolina at krudo nagkakaubusan sa Bicol
Photo shows a car buried by volcanic ash, which cascaded into a village in Guinobatan town.
AFP

MANILA, Philippines — Nagkakaubusan na umano ng suplay ng gasolina at krudo at nagsimulang magkaroon ng panic buying sa mga lalawigan ng Albay at Camarines Sur makalipas ang walong araw na pananalasa ng bagyong Kristine sa Bicol Region.

Sa kasalukuyan ay pahirapan pa ring makalusot ang mga trucks lalo na ang may dala ng iba’t ibang produkto kaya’t noong Huwebes ay nagsimula nang humaba ang pila ng mga motorista sa mga gasolinahan dahil sa kakaunting suplay.

Maraming gasoline stations na ang nagsara lalo sa Legazpi City dahil sa pagkaubos ng stocks at limitado ang dating ng mga lorry trucks dahil sa hirap na daanan ng mga kalsada.

Sa Camarines Sur ay ilang araw na nagkaubusan ng suplay ang mga gasolinahan sa iba’t ibang bayan habang sa Naga City mismo ay pahirapan sa paghanap lalo na sa krudo at unleaded gasoline.

Agad umaksyon si Office of Civil Defense-Bicol Regional Director Claudio Yucot at sumangguni sa mga nagbabantay na pulis sa Milaor area na bigyang prayoridad ang mga trucks na may dalang petroleum products na makalusot sa mahabang pila.

Nakipag-ugnayan na rin umano si Yucot sa mga fuel tanker mula sa Visayas region na magbaba ng krudo at gasolina sa mga pantalan ng Sorsogon para sa pangangailangan ng rehiyon.

GASOLINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with