^

Police Metro

2 Chinese fishing boats namonitor sa east coast ng Luzon

Joy Cantos - Pang-masa
2 Chinese fishing boats namonitor sa east coast ng Luzon
More than 50 Chinese vessels swarm the vicinity of Iroquois Reef and Sabina Shoal in the West Philippine Sea, July 7.
AFP Wescom

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Navy na dalawang Chinese fishing boats ang namataan sa 20 nautical miles ng east coast ng Luzon.

Sa isinagawang press briefing sa Camp Agui­naldo, sinabi ni Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na natanggap nya ang report kahapon.

Bago naiulat ng security expert na si Ray Powell na nasa bahagi ng Casiguran, Aurora ang mga bangkang pa­ngisda ng China ay ang Lu Rong Yu 51794 at ang Lu Yan Yuan Yu 017 na pawang nago-operate sa silangang bahagi ng karagatan ng Pilipinas o mas mababa sa 20 nawtikal na milya mula sa San Ildefonso Peninsula (Casiguran, Aurora Province, Luzon).

Sinabi naman ni Trinidad na sa kabila ng presensya ng 2 fishing boats ay wala pa naman silang na-monitor na pangingisda na ginagawa ng mga ito kaya hindi pa ito maituturing na nakaalarma.

Sa ngayon, kumukuha pa ng dagdag na impormasyon ang Navy sa 2 fishing boats ng China sa East coast.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with