^

Police Metro

Mangingisda gutay sa dinamita

Tony Sandoval - Pang-masa
Mangingisda gutay sa dinamita
Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Mario Establiceda, 40, residente ng Sitio Bagong Silang ng nasabing barangay.
File

MANILA, Philippines — Halos nagutay ang katawan ng isang mangi­ngisda makaraang masabugan ng “bigas-bigas” o dinamita na kanyang gina­gamit sa iligal na pangi­ngisda sa karagatang sakop ng Sitio Pandam, Barangay Calutcot, Burdeos, Que­zon, kamaka­lawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Mario Establiceda, 40, residente ng Sitio Bagong Silang ng nasabing barangay.

Sa salaysay sa pulisya ng isang ­Richard Legazpi, alas-10:00 ng umaga habang sakay siya ng maliit na bangka at mangingisda sa layong 200 metro ay nakarinig siya ng malakas na pagsabog.

Tinungo ni Legazpi ang kinaroroonan ng biktima, subalit hindi niya ito natagpuan at tanging ang bangka lamang na wasak ang magkabilang katig ang naroroon sa lugar.

Bumalik sa pampang si Legazpi at humingi ng tulong sa mga otoridad upang hanapin ang biktima at alas-2:00 na ng hapon ay natagpuan ang walang buhay na biktima sa may limang metrong lalim ng dagat at may malaki itong sugat sa dibdib, mukha, at parehong hita. Putol din ang kanang kamay at kaliwang hinlalaki ng biktima.

Sa record ng pulisya, naaresto noong 2013 ang biktima dahil sa paggamit ng “bigas-bigas” sa kanyang pangingisda.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with