^

Police Metro

VP Sara natanggap na ang subpoena ng NBI

Angie dela Cruz - Pang-masa
VP Sara natanggap na ang subpoena ng NBI
Personnel of the National Bureau of Investigation issued a subpoena ad testificandum against Vice President Sara Duterte at her office in Mandaluyong City in Nov. 26, 2024.
PTV via X (formerly Twitter)

MANILA, Philippines — Sinilbihan kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena si Vice President Sara Duterte upang ipaliwanag ang umano’y banta nitong ipapatay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sinabi niyang “does not constitute an active threat.”

Natanggap ng opisina ni Duterte sa Mandaluyong ang subpoena mula sa NBI special task force.

Inatasan siyang magtungo sa NBI headquarters sa Biyernes upang ipaliwanag ang kanyang weekend press conference kung saan sinabi niyang ipinag-utos niyang ipapatay sina Marcos, Speaker Martin Romualdez, at First Lady Liza Araneta-Marcos sakaling magtagumpay ang umano’y planong pas­langin siya.

Hiniling ng NBI sa Facebook na huwag burahin ang video ng press conference ni Duterte upang magamit itong ebidensya.

Hindi naman nagbigay ng komento si Duterte sa subpoena ng NBI hangga’t hindi pa nababasa ang nilalaman.

Kahapon ay nananati­ling nasa Veterans Memorial Medical Center si Duterte kung saan naka-confine sa ospital ang dalawang tauhan nito na ang isa ay si Atty. Zuleika Lopez, chief of Staff ng Office of the Vice President.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with