‘Mystery assassin’ ni VP Sara dapat hubaran - solon
MANILA, Philippines — Nais ng isang mambabatas na agaran at masusing imbestigahan ang isyu sa sinasabing ‘mystery assassin’ na kinontrata ni Vice President Sara Duterte upang paslangin sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
“The Vice President’s statement is deeply alarming and raises serious national security concerns,” saad ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores, isang abogado na iginiit na mahalagang matukoy ang pagkatao at grupong kinabibilangan ng nasabing assassin.
“We must ascertain who this ‘mystery assassin’ is. Is this individual part of the Vice President’s trusted security detail, a member of the notorious syndicate, or a hired gun?” tanong ni Flores.
Pinarerebisa rin ng mambabatas ang Vice Presidential Security Group (VPSG) na itatag ilang araw bago pa man lisanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang palasyo ng Malacañang upang bigyang daan ang panibagong administrasyon.
Sinabi ni Flores na dahilan sa pagsasabi ni VP Sara na personal siyang nakipagkomunikasyon sa nasabing hitman na pumayag sa kaniyang direktiba ay nangangahulugan na malapit ito sa kaniya, maayos ang relasyon at pinagkakatiwalaan.
Binigyang diin ng solon na importante na maimbestigahan ito kasabay ng paghikayat sa Presidential Security Commad (PSC) na inatasan ni Executive Secretary Bersamin ‘to leave no stone unturned’ para matukoy ang nasabing indibidwal bago pa man mahuli ang lahat.
- Latest