Duterte ‘di sang-ayon sa pananaw ni VP Sara tungkol kay Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Hindi umano sinang-ayunan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pananaw ng kaniyang anak na si Vice President Sara Duterte na mahinang presidente si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi pa ni Duterte na baka role model siya ng kanyang anak kaya nahihinaan ito sa kasalukuyang nakaupong Pangulo ng bansa.
“I may have to disagree with my daughter. Not totally. Baka kulang sa expectations niya. Siguro ang role model niya yung tatay niya,” ani Duterte.
Ayon pa kay Duterte, nagtatrabaho naman si Marcos kaya lang aniya ay baka medyo kulang kaya nasabi ng kanyang anak na mahina ito.
Sinabi rin ni Duterte na hindi dapat ikumpara sa kanya si Marcos lalo pa’t magkaiba sila lalo na sa pagsasalita.
Malumanay aniyang magsalita si Marcos na malayo sa kaniya na nagmumura at diretso kung magsalita.
- Latest