^

PSN Palaro

Playoff berth dinagit ng Cardinals

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Playoff berth dinagit ng Cardinals
Lawrence Mangubat is cheered on by his teammates after a gutsy performance for Mapua.
NCAA / GMA-7

MANILA, Philippines — Isinalpak ni rookie Lawrence Mangubat ang game-winning three-point shot sa huling 3.9 segundo para itakas ang Mapua University laban sa Lyceum of the Philippines University, 69-68, sa second round ng NCAA Season 100 men’s basketball kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Tumapos si Mangubat na may 16 points para sa pang-limang sunod na ratsada ng Cardinals at itaas sa 11-3 ang kanilang record.

Bukod sa patuloy na pagsosolo sa second place ay nakamit din ng tropa ni coach Randy Alcantara ang playoff para sa isang Final Four berth.

Nahulog ang Pirates sa 6-8 marka kasama ang tatlong dikit na kabiguan.

Sinayang ng Mapua ang hawak na 16-point lead, 49-35, sa third period matapos agawin ng Lyceum ang 66-64 bentahe sa huling 37.1 segundo sa final canto.

Itinabla ni Mangubat ang Cardinals sa 66-66 kasunod ang tirada ni Renz Villegas para sa 68-66 kalamangan ng Pirates sa natitirang 10.7 segundo.

Isinalpak naman ni Mangubat ang kanyang game-winning triple sa huling 3.9 segundo para ipanalo ang Mapua.

Sa ikalawang laro, pinatibay ng nagdedepensang San Beda University ang kapit sa third place matapos talunin ang Jose Rizal University, 83-70.

Nagtala si James Pa­yosing ng 18 points, 6 rebounds at 3 assists para sa 9-5 kartada ng Red Lions, habang laglag ang Heavy Bombers sa 4-10.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with