^

Police Metro

8 patay, 7 sugatan sa salpukan ng van at trak

Tony Sandoval, Doris Franche-Borja - Pang-masa
8 patay, 7 sugatan sa salpukan ng van at trak
Walong pasahero ng isang van ang nasawi nang sila ay sumalpok sa isang delivery truck sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy Sto. Cristo Sariaya, Quezon, kahapon ng madaling-araw.
Sariaya-PNP

MANILA, Philippines — Walong katao ang namatay habang pito ang nasugatan makaraang magsalpukan ang isang pampasaherong van at delivery truck sa Brgy. Sto. Cristo, Sariaya, Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ni Police Lt. Col. Carlo Caceres ang mga nasawi na sina Eleodoro Bermudo, van driver; mga pasahero na sina Danilo Dapadap, Villamor Concepcion; Jaime Bermudo; Francisco Bermudo; Sarah Joy Concepcion; MJ-2 anyos na batang babae; at Sarah Concepcion.

Sugatan naman sina Crisanto Pascual, truck driver at mga sakay na sina Ariel Caliro; Louis Aldea; Antero Vergara; Gilbert Bermudo; Jomar Caliro; at Anjo Caliro.

Sa inisyal na ulat ng ng Sariaya Municipal Police Station, naganap ang aksidente, alas-5:50 ng umaga sa Maharlika Highway sa Sto. Cristo, Sariaya, Quezon.

Nabatid na tinatahak ng pampasaherong van ang direksyong patungong Maynila at patungo naman ang delivery truck sa direksyon ng Bicol nang kainin umano ng driver ng una na umano ay nakaidlip ang linya ng delivery truck kaya’t nagsalpukan.

Sa lakas nang pagkasalpok ay halos nawasak ang pampasaherong van na ikinasawi ng walong pasahero habang ang iba pang pasahero ay isinugod sa ospital. — Ed Amoroso

vuukle comment

QUEZON

SARIAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with