^

Police Metro

Babaeng African nasabat sa P35 milyong shabu sa NAIA

Doris Franche-Borja, Butch Quejada - Pang-masa
Babaeng African nasabat sa P35 milyong shabu sa NAIA
Ninoy Aquino International
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang babaeng African national ang dinakip matapos na makumpis­kahan ng may P35 mil­yong halaga ng illegal na droga ng mga tauhan ng Bureau of Customs at NAIA-PDEA, nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport 3 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang pasaherong inaresto na si Jolene Du Plessis, 37-anyos nang magpositibo na may dalang droga sakay ng Etihad Airways Flight EY424 mula sa Abu Dhabi.

Batay sa imbestigas­yon, alas-6:50 ng gabi nang maharang ni Marie Janica Arboleda, X-ray Inspector ng BOC-NAIA si Plessis.

Ayon kay Arboleda, nagsasagawa siya ng X-ray inspection nang ma­kita ang kahina-hinalang bagahe ni Plessis na sakay ng EY 424 na galing Abu Dhabi.

Nang isagawa ang 100% inspection sa bagahe ay nadiskubre ng mga awtoridad ang 5,265 gramo ng hinihina­lang shabu na may street drug price na aabot sa P35,802,000. 

Ang pagkakadiskubre sa droga ay bunsod sa natanggap na impormasyon ng BOC at PDEA mula sa kanilang counterpart abroad na may isang babaeng pasaherong African national na may dalang kontrabando ang dara­ting sa NAIA Terminal 3, nitong Martes.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with