^

Police Metro

1,904 rebelde napasuko ng LPE

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa 1,904 mga komunistang terorista ang nagbalik-loob sa pamahalaan sa pamamagitan ng Local Peace Engagement (LPE).

Ito ang inihayag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ang nasabing bilang ay mula sa 299 mga barangay na napalaya na sa kuko ng New People’s Army (NPA) na kung saan ay ipinagdiwang din ang pagkakalusaw ng 89 na active NPA guerilla fronts mula pa noong 2018.

Ang LPE Cluster ay sangay ng NTF-ELCAC na siya ring nag-ulat na, 1,266 sa bilang na nabanggit, ay mga NPA at ang 638 na nalalabi ay mga Militia ng Bayan (MB).

Naniniwala si Atty. Wilben Mayor, Presidential Assistant at Undersecretary ng Local Conflict Transformation Cluster, ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity 9 (OPAPRU) na ito ang magiging pundasyon upang maipagpatuloy ang programa.

Tinutukoy ni Mayor ang tinatawag na Tracks 1 at 2 ng LPE at Transformation program, na kinabibilangan din ng konsultasyon sa mga komunidad sa mga kanayunan, problem-solving sessions at local peace dialogue. Ito rin ang nakapagpahina sa puwersa ng NPA, na ngayon ay nasa 1,251 mula sa 24,000 noong mga ‘80s.

 

vuukle comment

LOCAL PEACE ENGAGEMENT (

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with