^

Police Metro

Pekeng PWD IDs nagkalat sa Malabon, LGU nagbabala

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Malabon local government ang mga residente ng lungsod laban sa paggamit ng mga pekeng person with disability (PWD) identification cards (IDs).

Ang babala ay ginawa ng Malabon LGU matapos makatanggap ng ulat ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng lungsod na patuloy ang pagkalat ng mga pekeng PWD IDs na nagdudulot ng pang-aabuso at kawalan ng tiwala sa kanilang sistema.

Nilinaw ng Malabon LGU, hindi sila nagre-release sa pamamagitan ng online ng mga PWD ID. Hindi rin anila nagpapabayad ang Malabon PDAO sa pagbibigay ng nasabing ID.

Paalala rin ng lokal na pamahalaan, na huwag maniwala sa mga naglalakad o may kakilala sa Malabon PDAO upang makakuha ng PWD ID at nanghihingi pa ng bayad.

Niliwanag na may ilang dokumento at beripikasyong ginagawa bago maisyuhan ng PWD ID.

Panawagan pa ng LGU, agad na isuplong o  ipagbigay alam sa  kanila at sa pulisya ang mga indibiduwal na nanamantala sa PWD ID.

Dagdag pa ng Malabon LGU, na ang maling paggamit ng PWD ID ay may kaukulang parusa sa ilalim ng batas.

vuukle comment

PWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with