^

Police Metro

Negosyanteng babae, dalaga kinatay sa condo

Cristina Timbang - Pang-masa
Negosyanteng babae, dalaga kinatay sa condo
Kinilala ang mga nasawi na sina Aldena Tano Popelo, 48, businesswoman; at kaanak na si Jenelyn Salvador, 19, kapwa residente ng Room I, Villa Celestine Condominium, Doña Dionesia Subdivision Gate 2, Brgy. Bayan Luma 2, Imus City, Cavite.
File

Tinodas ng lover na tomboy…

MANILA, Philippines — Kapwa natagpuang patay dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang babae sa loob ng kuwarto ng tinitirhan nilang condominium sa Brgy. Bayan Luma 2, Imus City, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Aldena Tano Popelo, 48, businesswoman; at kaanak na si Jenelyn Salvador, 19, kapwa residente ng Room I, Villa Celestine Condominium, Doña Dionesia Subdivision Gate 2, Brgy. Bayan Luma 2, Imus City, Cavite.

Sa salaysay ng lala­king kapatid ng biktimang si Salvador, bago nadiskubre ang bangkay ng dalawa, alas-8:00 ng umaga ay pinuntahan nito ang kapatid sa puwesto nito sa Imus City Public Market, dahil hindi pa ito nagbubukas ng pwesto hindi naman dati nangyayari.

Kaya’t nagtungo ito sa condo ng kapatid at pagpasok pa lang nito sa pinto ay nakakita na niya ang mga patak ng dugo.

Ayon sa mga nakatira sa katabing unit ng mga biktima, alas-10:30 ng gabi ay nakarinig sila ng ingay at tila nag-aaway mula sa unit ng mga biktima na ang kaaway umano ay ang kinakasamang tomboy ni Popelo na kinilalang si alyas Mona, 60.

Narekober ng pulisya sa kuwarto ng mga biktima ang duguang icepick na posibleng ginamit ng suspek sa pagpatay na kasalukuyan ng pinaghahanap.

Hinala ng pulisya na selos ang posibleng  motibo ng suspek sa pagpatay sa mga biktima.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with