^

Police Metro

Crime rate bumaba sa loob ng 21 buwan ng 2024

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa loob ng 21 buwan na panunungkulan ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr., ay ipinagmalaki ng administrasyon ang makabuluhang pagbaba ng crime rate sa bansa.

Ito ang iniulat ni Interior and Local Government Secretary at National Peace and Order Council Chairperson (NPOC) Benhur Abalos sa ginanap na Regional Peace and Order Council Meeting sa Malacañang.

Ayon kay Abalos na malaki ang inim­prove ng peace and order situation sa bansa na mas mababang index crime volu­me mula sa 196,519 mula pre-pandemic period ng July 1,2016 hanggang Abril 21,2018 na 71,544  mula July 1,2022 hanggang Abril 21,2024.

Habang bumaba rin ang peace and order indicator sa katulad na panahon mula 531,917 mula Hulyo 1,2016 hanggang Abril 21,2018  kumpara sa 371,801 mula  Hulyo 1,2022 hanggang Abril 21, 2024.

Bumaba rin ang average na buwanang crime rate mula sa katulad na panahon mula sa 21.92 sa 15.04.

Sa kabilang banda, buma­ba rin ang focus crimes tulad ng theft, physical injury, robbery, rape, murder, carnapping, at homicide mula sa 196,420 sa 71,133 o 63.79% na binaba..  

CRIME RATE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with