^

Police Metro

Pangulong Marcos sa mga Pilipino: Gayahin ang pagmamahal ni Rizal sa bayan

Danilo Garcia - Pang-masa
Pangulong Marcos sa mga Pilipino: Gayahin ang pagmamahal ni Rizal sa bayan
Philippine Navy and Philippine Marines personnel conduct a rehearsal at the Rizal Park on December 28, 2023 in preparation for the commemoration of Rizal Day on December 30, 2023.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nanawagan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Pilipino na gayahin si Dr. Jose Rizal sa matinding pagmamahal sa bayan at iginiit na lahat ay dapat magkaroon ng paghahangad para sa magandang kinabukasan ng bansa.

Inihayag ito ng Pangulo sa pag-alala sa ika-127 anibersaryo ng pagiging martir ng pambansang bayani, makaraang mag-alay siya ng bulaklak sa Rizal Monument sa Luneta kahapon.

I enjoin all of you to keep emulating the timeless values we can learn from his life and works, ayon kay Marcos, na sinamahan ng kanyang First Lady Marie Louise Araneta-Marcos at anak na si Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Araneta Marcos.

“I also call on everyone to let the genuine love for the country that he lived out and later died for propel us to have a deep and personal sense of ownership for our land and our future, dagdag pa ng Pangulo.

Kasama rin ng Pangulo sa wreath laying sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Manila Mayor Maria Shiela Honey Lacuna, National Historical Commission of the Philippines Chairman Emmanuel Franco Cairo at AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr.

Umaasa si Marcos na sa patuloy na pag-alala sa bayani, mangyayari na matupad ang mga pangarap ni Rizal para sa Pilipinas na ipinaglaban niya at ng iba pang mga bayani noong panahon ng pananakop ng Espanya.  

FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with