SUV owner na suspek sa hit-and-run, inisnab muli ang pinal na hearing ng LTO
MANILA, Philippines — Muling inisnab at hindi sinipot kahapon ng may-ari ng SUV na sumagasa sa isang sekyu sa Mandaluyong City, noong Linggo ang ikalawa at pinal na pagdinig ng Land Transportation Office (LTO).
Ayon sa LTO, submitted for resolution na ang kaso at pagpapasyahan na ang parusang ipapataw sa may-ari ng SUV na si Jose Antonio San Vicente kabilang ang revocation of license dahil sa pagsagasa sa sekyu na si Christian Floralde.
Nilinaw ni LTO acting Director Clarence Guinto, ang nakarehistro at ang nagmaneho ng SUV ay ang tatay na taliwas naman sa naibigay na information ng abogado sa Mandaluyong PNP na anak ang sakay nito.
Una nang kinasuhan ng Mandaluyong police ng ng frustrated murder at abandonment of victim si San Vicente.
Kung sakali na hindi sumipot sa piskalya si San Vicente ay iisyuhan na ito ng warrant of arrest.
- Latest