Cavite drug ops: 3 timbog sa P4-M droga
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang tatlong suspek sa isinagawang serye ng anti-drug operations sa lalawigan ng Cavite na kung saan ay nasamsam sa mga ito ang nasa mahigit P4-M halaga ng droga.
Sa ulat ang serye ng operasyon ay isinagawa mula Enero 26 hangang Enero 27 na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong drug suspect na nakumpiskahan ng .37 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,799.63 at 34.5 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P4,080,060.00-M ang halaga.
Nabatid na isinailalim ng mga otoridad sa masusing surveillance operation ang mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon sa iligal na aktibidades ng mga ito.
Nasa 34 bricks naman ng marijuana ang nadiskubre ng mga otoridad sa isang bakanteng lote na pag-aari ng Cathay Land na matatagpuan sa kahabaan ng Aguinaldo highway sa Brgy. Lalaan 1st , Silang, Cavite sa operasyon sa lugar bandang alas-5:00 ng hapon.
- Latest