^

Police Metro

2 karnaper na pinapatubos ang tinangay na kotse, nadakip

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng pulisya ang dalawang karnaper na kinilalang sina Julius Bumanglag, alyas Bong, 37, company driver, ng Moriones St., Tondo, Manila; at Remigio De Vera Jr., alyas Jon, ng Brgy. Poblacion, Makati City sa isang entrapment operation sa Pasay City, kamakalawa.

Sa ulat ng Pasay City Police, tinangay ng mga hindi nakilalang salarin ang Toyota Innova (AXA 1886) ng biktimang si Noel Dela Cruz, 51, habang nakaparada ito sa may Macapagal Avenue, Brgy. Tambo, Parañaque City noong Nobyembre 1 at ito ay iniulat kaya’t nag­palabas ng alarma ang pulisya.

Tumawag sa biktima ang mga suspek at ipinatutubos ang kaniyang sasakyan sa halagang P80,000 kaya’t dumulog sa Anti-Carnapping Unit ng Pasay City Police ang biktima at ikinasa ang entrapment operation.

Sa tapat ng isang restaurant sa may Seaside Boulevard sa Mall of Asia Complex ay hindi na nakapalag ang mga suspek nang posasan sila ng mga pulis makaraang abutin ang marked money buhat sa biktima.

Narekober rin ng mga pulis ang kinarnap na sasakyan ng biktima na nakaparada malapit sa lugar.

vuukle comment

KARNAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with