^

Police Metro

GMA hiniling na tutukan ang quarry issue sa Nueva Ecija

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hiniling ni Nueva Ecija Governor Czarina “Cherry” Umali kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na tutukan ang ginawang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa isyu ng quarring sa Nueva Ecija.

Ginawa ni Umali ang panawagan matapos na makatanggap ng impormasyon na pinipilit ng kanilang kalaban sa pulitika na bilisan ang pagbalangkas ng  committee report at ipitin sa isyu ng quarry ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan at ang mister nito na si dating governor Atty. Aurelio “Oyie” Umali.

Bukod dito ay nadiskubre rin ng kapitolyo ng Nueva Ecija ang isang kasunduan o memorandum of agreement ni Cabanatuan City Mayor Jay Vergara sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 3, Environment Management Bureau (EMB) Region 3, Mines and Geosciences Bureau (MGB) Region 3 at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 3.

Batay sa MOA, na kokontrolin ng Cabanatuan City government ang assessment sa water system at magkakaroon ng collective power ang DENR, city government at ang DPWH para pamahalaan ang dredging and desilting plan sa ikatlong distrito ng probinsya.

Sa ipinadalang liham kamakalawa ni Umali kay DENR Sec. Roy Cimatu, hiniling nito na linawin ang batas tungkol sa mandato at superbisyon ng quarry operations dahil alinsunod sa batas ay tanging ang provincial government lamang ang may karapatang mag-isyu ng quarry permit.

Sa privilege speech ni Vergara sa Kamara, sinisi nito ang mga Umali kung bakit mas mababa ang koleksyon ng Nueva Ecija sa quarry kumpara sa nakokolektang buwis sa quarry ng probinsya ng Pampanga.

CZARINA UMALI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with