^

Police Metro

Tatay pinatay ng dalawang anak

Rhoderick Beñes - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 58-anyos na tatay ang pinagtulungang saksakin ng kanyang dalawang anak na lalaki sa loob ng kanilang bahay noong Linggo ng hapon sa Purok Centro, Brgy.Malasila, Makilala, North Cotabato.

Ang biktima na idi­neklarang dead on arrival sa ospital ay kinilalang si Socimo Eredia Susae, magsasaka.

Ang mga suspek ay ang dalawa nitong anak na sina Dante Samana Susae, 29;at Dennis na tumakas.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-5:20 ng hapon ay galit na umuwi ang magkapatid sa kanilang bahay at nasalubong nila ang kanilang tatay na nagtanong kung bakit mainit ang mga ulo nito.

Sinabi ng magkapatid na sila ay may nakaaway sa labas at hindi sila nakaganti kaya’t mainit ang kanilang mga ulo.

Pinangaralan ng tatay ang dalawang anak na hindi nagustuhan ng mga ito hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-aama.

Dito ay kumuha ang magkapatid ng patalim at pinagtulungang pagsasaksakin ang kanilang ama na duguang bumagsak sa sahig.

vuukle comment

SOCIMO EREDIA SUSAE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with