^

Police Metro

Modus ng NPA tuwing eleksyon... AFP tututok sa ‘permit to campaign’, ‘permit to win’

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa nalalapit na ang 2016 elections ay tututukan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang modus operandi ng New People’s Army (NPA) na ‘permit to campaign’ at ‘permit to win’ laban sa mga kandidatong kinokotongan ng mga ito.

Ito ang sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Hernando Delfin Carmelo Iriberri kaya’t nasa pro­seso na sila nang pango­ngolekta ng impormasyon at patuloy na monitoring laban sa illegal na aktibidades ng mga rebelde lalo na kapag nalalapit na ang halalan.

Sa tala  ng AFP kinokotongan ng mga rebelde ang mga kandidato tulad na ng mga tumatakbong gobernador na hinihingan ng P500,000; bise gobernador; P300,000; kongresista P250,000 hanggang P300,000; bokal P200,000; ma­yor P100,000 hanggang  P200,000; bise mayor P100,000 na iniimplementa ng communist groups sa tuwing sasapit ang election.

Inoobliga ng mga rebelde ang mga pulitiko o kandidato na magbayad sa nasabing halaga.

Ang modus operandi ng permit to campaign ay  kapag hindi nagbayad ang kandidato ay isasabotahe ang panga­ngampanya ng mga ito sa kanilang mga balwarteng teritoryo.

Habang ang  ‘permit to win’ ay may banta ng  pag­likida sa kalaban o takutin ng mga armadong rebelde, kidnapping at iba pa hanggang sa mapilitang iatras ang kandidatura.

ACIRC

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF OF STAFF GEN

DAHIL

HABANG

HERNANDO DELFIN CARMELO IRIBERRI

INOOBLIGA

ITO

MGA

NEW PEOPLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with