Mabigat na parusa sa mga abusadong Coop official, isinusulong
MANILA, Philippines - Isinusulong ngayon sa Kamara ni Caloocan 2nd District Representative Edgar Erice, ang pagpapataw ng mabigat na parusa sa mga opisyal ng Kooperatiba na umaabuso sa kanilang posisyon.
Sa panayam ng PM, sinabi ni Erice na nakasampa na sa Committee on Cooperatives Development ang isang panukala para amiyendahan ang batas at bigyan ng dagdag na ngipin ang Cooperative Development Authority (CDA) at nangako ito na kanyang aayudahan.
Ito ay makaraang mamagitan si Erice nitong nakaraang Sabado sa krisis na kinakaharap ng Our Lady of Grace Credit Cooperative (OLGCC) na may higit 12,000 miyembro sa lungsod ng Caloocan at karatig-lungsod.
Nabatid na sumiklab ang problema sa OLGCC nang matuklasan na may nakawang nangyayari sa multi-milyong pondo ng kooperatiba ngunit hindi agad naaksyunan ng Board of Directors habang hindi rin nasuspinde ang Treasurero at hindi nasampahan ng kaso ang Finance Officer nito na hinayaang mag-resign.
Nagtapos na ang termino sa panunungkulan ng lumang set ng Board of Directors nitong buwan ng Marso at nakapaghalal na rin ng mga bagong opisyales ngunit ayaw bumaba ng lumang mga direktor sa kapangyarihan. Nagresulta ito ng kalituhan sa mga miyembro habang pinaghigpitan ang marami sa pagwi-withdraw ng savings nilang pera at hindi nagpapasok ng ilang miyembro sa opisina ng OLGCC
Ipinarating naman sa CDA partikular sa Manila Extension Office ng mga miyembro ang problema ngunit puro pangako lamang umano ang itinutugon ng mga opisyales at walang konkretong solusyon sa problema na posibleng ikabagsak ng OLGCC.
Inatasan naman ni Erice ang lumang miyembro ng BOD na ilabas ang lahat ng records ng kooperatiba upang maipakita na wala silang itinatago at pinagtatakpan at haÂyaang bukas ang pinto ng kooperatiba sa lahat ng mga miÂyembro maging ang libro ng records nito. Nagbanta si Erice sa mga lumang opisyales na ipatatawag sa Kongreso kung mabibigo na tuparin ang napagkasunduan .
- Latest