^

Police Metro

Narindi sa sobrang iyak... Sanggol hinagis ng tatay sa kalye

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang awang sinaktan ng isang ama ang kanyang 1-anyos na anak na lalaki at hindi pa nasiyahan ay kanya itong inihagis sa kalye matapos na marindi sa kaiiyak nito naganap kamakalawa sa Brgy. Guinles, Polanco, Zamboanga del Norte.

Ang ama na inaresto ng pulisya ay nakilalang si Christopher Ebahan, 27.

Ang biktima na ginagamot sa ospital ay nakilalang si Cris Glenn Ebahan.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon sa loob ng bahay ay nagkaroon muna ng pagtatalo ang suspek at misis nito sa hindi pa malaman na kadahilanan.

Kaya’t napilitang umalis ang ginang sa bahay at  nagtungo sa bukirin at naiwan ang anak sa pangangalaga ng mister.

Nag-iiyak naman ang sanggol sa paghabol sa ina kaya nairita ang suspek at sinaktan ang anak hanggang ihagis ito sa kalye na nasaksihan ng kanilang kapitbahay.

Tumakas ang suspek nang makitang nangingitim at duguan ang sanggol matapos na tumama ang ulo nito sa kalye.

Nasakote ang suspek sa isang follow-up operation ng mga pulis.

vuukle comment

BRGY

CHRISTOPHER EBAHAN

CRIS GLENN EBAHAN

GUINLES

KAYA

NASAKOTE

NORTE

POLANCO

TUMAKAS

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with