^

Police Metro

Apela ni Sen.Miriam sa mga botante... politicians sa pork scam ‘wag iboto

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Huwag iboto sa 2016 national elections ang mga senador at congressmen na isinasangkot sa pork barrel fund scam.

Ito ang naging apela ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa mga botante  sa kanyang naging talumpati sa ginawang pagpapara­ngal sa Outstanding Students at students organizations sa Lyceum of the Philippines University (LPU) sa Batangas.

Maging anya ang mga mambabatas na piniling manahimik na lamang sa isyu ng pork barrel fund scam kung saan bilyun-bilyong pondo ng gobyerno ang nauwi lamang sa katiwalian ay hindi dapat iboto.

“We should not reelect any senators or congressmen running for reelection in 2016, if they are among those against whom the Ombudsman will file cri­minal charges for plunder or malversation of public funds in the Sandiganba­yan,” pahayag ni  Santiago.

Ayon kay Santiago na  ang  patuloy na pananahimik ng ilang pulitiko ay nagpapatunay na duwag ang mga ito at oportu­nista na mas pinipiling manahimik sa isyu ng pork barrel funds upang hindi magkaroon ng kaaway sa pagtakbo nila sa 2016.

Aminado si Santiago na bagaman at itinuturing pa ring inosente ang mga akusado hangga’t hindi nahahatulan sa korte ay nakaparami aniyang dokumento ang dapat salain ng Office of the Ombudsman para maisampa ang kaso.

Naniniwala si Santiago na sa sandaling makapagsampa na ng kaso ang Ombudsman laban sa mga reeleksiyunistang pulitiko ay mayroon itong sapat na ebidensiya laban sa mga akusado.

“Hence, if the Ombudsman files a case against a reelectionist for plunder in the Sandiganbayan, this means that she has in her possession enough evidence to allow the trial court to rule in favor of the government,” ani Santiago.

Ayon pa kay Santiago na ang 2016 presidential elections ay magsisilbing “test of leadership” lalo pa’t isinusulong ng kasalukuyang gobyerno ang kaso laban sa mga sangkot sa P10 bilyong pork barrel fund scam at idineklara rin ng Supreme Court na labag sa Konstitusyon ang pork barrel funds.

Anya, noong lehitimo pa ang paggamit ng pork barrel, hindi naman ito nakatulong para mabawasan ang kahirapan sa bansa at naging ugat pa ng korapsiyon.

vuukle comment

AMINADO

AYON

LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OUTSTANDING STUDENTS

SANTIAGO

SENATOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with