^

Police Metro

Anibersaryo ng Edsa sa Cebu gaganapin

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang Pangulong Benigno Aquino lll ang mangu­nguna bukas sa pagdiriwang ng ika-28 anibersaryo ng EDSA People Power 1 na gaganapin sa Cebu City.

Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., ang tema ng pagdiriwang ay “EDSA 28: Kapit-bisig tu­ngo sa Pagbangon”.

“Magiging katangi-tangi ang pagdiriwang ngayong taon sapagkat ito ay gaganapin sa labas ng kalakhang Maynila at magtutuon sa mga lugar na lubhang naapek­tuhan ng mga nagdaang kalamidad. Ang tradisyunal na “Salubungan” o ang taunang pagsasadula ng pagkikita ng militar at sibilyan sa EDSA ay isasagawa sa Kapitolyo ng lalawigan ng Cebu,” wika pa ni Sec. Coloma.

Aniya, ang lalawigan ang siyang naging tanggulan at balwarte ng oposisyon noong panahon ng Martial Law kung saan namalagi si dating Pangulong Corazon Aquino noong ganap na tumiwalag ang militar sa pamunuan ni Pangulong Marcos.

“Bago doon sa salubungan na gaganapin sa Martes ng umaga, ang Pangulo ay magtutungo sa Cateel, Davao Oriental na nasalanta noong Super Typhoon Pablo noong December 2011 upang alamin ang progreso ng rehabilitasyon at pagbabagong tatag ng komunidad doon,” dagdag pa ni Coloma.

Magtutungo rin ang Pangulo sa Loon, Bohol para magdaos ng isang pulong-bayan upang alamin ang sitwasyon ng mamamayan, 4 na buwan matapos silang makaranas ng 7.2 na Lindol.

“Pagkatapos ng Salubungan sa Kapitolyo ng Cebu, magtutungo rin ang Pangulo sa Bantayan Island na isa sa mga lugar sa lalawigan ng Cebu na nasalanta ng kalamidad at mula doon ay magtutungo siya sa Guiuan, Eastern Samar at sa Tanauan, Leyte. Dadaan din sa proyekto ng Department of Health sa Tacloban  bago lumisan sa Tacloban sa Martes,” paliwanag pa ni Coloma.

ANG PANGULONG BENIGNO AQUINO

BANTAYAN ISLAND

CEBU

CEBU CITY

COLOMA

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF HEALTH

EASTERN SAMAR

PANGULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with