^

Police Metro

Budget ng opisina ni VP Binay aprub agad

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang kahirap-hirap na inaprubahan ng Senado ang panukalang P217 milyong budget ng tanggapan ni Vice President Jejomar Binay para sa 2014 kahit hindi ito nakarating sa budget deliberation.

Nabatid na ang anak ni Binay na si Senator Nancy Binay ang nakiusap sa mga kasamahang senador  na aprubahan na ang budget ng Office of the Vice President kahit pa hindi ito nakarating sa Senado.

Ang orihinal na panukalang budget para sa tanggapan ng bise presidente ay P417 milyon, pero tinanggal dito ang P200 milyon na pork barrel base na rin sa kahilingan ni Vice President Binay.

Sa pagsisimula ng pagdinig tinanong ni Senate President Franklin Drilon  kung aaprubahan ang budget ng Vice President dahil kalimitan na ay dapat humaharap sa hearing ang head ng mga tanggapan ng gobyerno.

Pero nakiusap si Senator Binay na kung maari ay aprubahan na ang panukalang budget para sa opisina ng kanyang ama dahil baka hindi siya makauwi sa tahanan nito  kung saan doon pa rin umano siya nakatira.

BINAY

BUDGET

DRILON

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

SENADO

SENATOR BINAY

SENATOR NANCY BINAY

VICE PRESIDENT

VICE PRESIDENT BINAY

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with