^

Police Metro

Dahil sa low pay at overwork… PAGASA Weathermen naglalayasan

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang umano’y mababang suweldo at sobrang trabaho lalo na’t may ka­lamidad ang umano’y dahilan kung kaya’t isa-isa nang nagsisi-alisan para para magtrabaho sa isang bansa ang mga weathermen ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ito ang sinabi ni Ramon Agustin, pangulo ng Philippine Weathermen Employees Association  (PWEA) na kung saan ay nagpaalam na kamakalawa si forecaster Ricky Fabregas matapos ang 16-taong serbisyo sa ahensiya para bigyan daan ang highly paid job sa  Congo na may sahod na P100,000 na malayong-malayo sa P20,000 buwanang sahod sa PAGASA.

Ayon pa kay Agustin na may isa pang weather­man ang nagpaplanong umalis para sa mas mataas na sahod sa ab­road.

Ayon pa kay Agustin, bukod sa mababang sahod at palagiang stress sa trabaho ay  may ilan silang mga kasamahan na nakamatayan na ang paghihintay sa kanilang benepisyo.

Tuwing may kalamidad ay napipilitan silang magtrabaho ng mas matagal o walang alisan sa opisina para lamang ma­serbisyuhan ang mamamayan na tinitiis ng mga weatherman sa pagbabasakali na mabigyan din ng kaukulang benepisyo ng gobyerno.

Nabatid na may mahigit 5 tauhan na ng PAG­ASA ang nagbitiw sa tungkulin sa ahensiya dulot ng mababang sahod at ngayo’y nasa labas ng bansa na tumatamasa ng halos limang beses ng sahod kung ikukumpara sa kanilang sinasahod dito.

 

AGUSTIN

AYON

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

NABATID

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

PHILIPPINE WEATHERMEN EMPLOYEES ASSOCIATION

RAMON AGUSTIN

RICKY FABREGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with