Oil firm responsable sa oil spill sa Pasig River
MANILA, Philippines -Inihayag ni Presidential Adviser on Environment Concerns at Laguna Lake Development Authority General Manager Nereus Acosta na malinaw na may paglabag sa Clean Water Act ang Larraine and Marketing o L& M Oil Depot, ang kumpanyang responsable sa naganap na oil spill sa Pasig River noong Sabado ng gabi.
Ayon kay Secretary Acosta, nagpadala na sila ng grupo para sumuri ng lawak ng naging pinsala ng oil spill na nakumpirÂmang galing sa pasilidad ng L & M.
Ipinaliwanag ni Sec. Acosta na ang naganap na oil spill ay malinaw na sumobra sa maximum na waste water discharge ang nasabing kumpanya.
Ang minimum na peÂnalty umano na maaaring ipataw ng LLDA bunsod ng nasabing paglabag ay sampung libong piso kada araw.
Gayunman, ipinaliwanag ni Secretary Acosta na pag-aaralan din nila ang pagpapataw ng mas mataas na multa, at ang posibilidad na patawan ang
kumpanya ng panibagong penalty.
Posible rin anya na magÂpalabas sila ng cease
and desist order laban sa L & M kung saan iuutos nila ang pagpapasara sa mga tubo nito na daluyan ng waste water patungo sa Pasig River.
- Latest