^

Police Metro

Dating opisyal ng DENR patay, 1 kritikal sa ambush

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang dating opis­yal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Zamboanga Sibugay habang kritikal naman ang isa pa nang pagba­barilin ng dalawang la­laki na sakay ng isang motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Magdaup, Ipil ng lalawigan.

Ang nasawi dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Rodolfo Balagot, 55, ng Brgy. Andres, Ipil. 

Nasa kritikal namang lagay sa Sibud Hospital ang kasamang si Joel Ca­nales.

Sa ulat, bandang alas-11:00 ng tanghali ay magkaangkas sa motorsiklo ang dalawang biktima patungo sa Palid Wharf  nang harangin ng mga suspek na magkaangkas din motorsiklo sa Sitio Palid, Brgy. Magdaup at pagbabarilin.

Patuloy pang inaalam ang motibo ng krimen.

vuukle comment

ANDRES

BRGY

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

JOEL CA

MAGDAUP

PALID WHARF

RODOLFO BALAGOT

SIBUD HOSPITAL

SITIO PALID

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with