^

Police Metro

Sa Magna Carta of the Poor… Pangilinan, kinastigo ni Marcoleta

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinuturong si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang siya umanong dahilan kaya hindi pinirmahan  ni Pangulong Benigno Aquino III ang panukalang Magna Carta of the Poor.

Kinastigo ni Alagad Partylist Rep. Rodante Marcoleta si Sen. Pangilinan na hinihiling na lumutang na ito at aminin sa publiko na siya ang pumigil na idaan pa sa bicameral conference ang naturang panukala upang ang kanyang  bersyon ang maipasok at maisumite kay Pangulong Aquino.

“Isinalaksak niya iyan sa lalamunan ng House of Representatives, dadalhin din pala kaming lahat sa kangkungan. Sana nagpapako siya sa krus nitong semana santa,” giit pa ni Marcoleta.

Matatandaan na binuweltahan ni Aquino si Marcoleta dahil sa komento nitong masyadong mababaw ang mga dahilan na inilatag ng pangulo sa pag-veto nito sa nasabing panukalang batas.

Paliwanag pa ng mambabatas, kung  isinama lamang umano  ni Pangilinan ang bersyon ng Kamara sa bersyon ng Senado ay hindi mabi-veto ang panukala dahil malinaw dito ang hinahanap na magic word ng pangulo na “progressive realization.”

Giit pa ni Marcoleta na kung pondo lang ang kulang bakit naman napakaraming batas ang naipasa kahit walang mga alokasyon.

Aminado si Marcoleta na naging sarkastiko siya sa komento ngunit ito ay bunga lamang aniya ng pagdaramdam niya makaraang i-veto ng Pangulo ang kanyang panukalang batas.

vuukle comment

ALAGAD PARTYLIST REP

AMINADO

HOUSE OF REPRESENTATIVES

MAGNA CARTA OF THE POOR

PANGILINAN

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

RODANTE MARCOLETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with